^

Pang Movies

Jennylyn pinag-aaral nang kumanta ang anak

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mas maganda sana kung sa pilot episode ng original parent-kid reality show ng GMA 7, ang Anak Ko ’Yan, na iho-host ng na­nay-actress na si Jennylyn Mercado ay sila ng anak na si Alex Jazz ang opening number. Nakita na ni Jennylyn na may talent sa pagkanta ang anak kaya ini-enrol na niya ito sa isang music school. Pero ayaw niyang sanayin ang anak na mag-showbiz dahil mas gusto niyang mag-aral muna ito.

Pero excited na si Jennylyn sa pagsisimula ng show sa Aug. 26, bago ang The Ryz­­za Mae Show na co-host niya si Dulce as the voice coach at si Rochelle Pangi­linan as the dance coach. 

Araw-araw itong mapapanood at sabay sila ng timeslot ng boyfriend niyang si Luis Manzano sa Minute to Win It pero work lamang. Walang personalan.

Ogie nag-AlA carla kina tom at Dennis

Updated ang Twitter kung ano ang nangyayari during the 25: I Write the Songs birthday and anniversary concert ni Ogie Alcasid sa SM Mall of Asia Arena last Friday evening kaya nalaman namin what brought the house down during the concert, ang duet ng TomDen (Tom Rodriguez at Dennis Trillo) as Vincent and Eric, respectively sa My Husband’s Lover ng GMA 7. Pumasok pa si Lally (Carla Abellana played by Ogie himself) kaya lalong tumindi ang hiyawan ng audience nang sa finalé ay nag-holding hands pa sina Dennis at Tom.

While sa TV ay iyakan naman ang televiewers dahil inamin na ni Lally kay Ellaine (Kuh Ledesma) na gay ang anak nitong si Vincent. Todo emote rin si Kuh at sinabi kay Carla na itatago nila ang bagay na iyon dahil alam niyang hindi matatanggap ng ama ni Vincent, si Armando, na bading ang kanilang anak. 

Superstar, Megastar, at iba pang big Stars pinagsama-samang judges

Mamayang gabi na ang grand finals ng Ta­lentadong Pinoy Worldwide: The Battle Royale, na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa Pasay City to be hosted by Ryan Agoncillo. Judges sina Superstar Nora Aunor, Megastar Sharon Cuneta, Teleserye Queen Judy Ann Santos, Aga Muhlach, Derek Ramsay, Edu Manzano, John Lapus, and Direk Joey Reyes. Mapapanood ang magarbong pagtatapos ng Talentadong Pinoy sa TV5 at 7:00 p.m.

Sino kaya ang tatanghaling Ultimate Talentado na mag-uuwi ng one million pesos in cash and house and lot kina TP1 Laserman; TP2 Sor; TP3 Larvae; TP4 Rina; TP5 NDC (Nocturnal Dance Company); TP6 Haina; at TP7 Spyro? I-text ang boto ninyo sa 5656.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALEX JAZZ

ANAK KO

BATTLE ROYALE

CARLA ABELLANA

CUNETA ASTRODOME

DENNIS TRILLO

DEREK RAMSAY

DIREK JOEY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with