^

Pang Movies

GMA at Marian hindi naniniwala sa ghost month, nagkapirmahan na ulit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi naniniwala sa ghost month ang GMA 7 at si Marian Rivera kaya itinuloy nila kahapon ang pagre-renew ng aktres ng kontrata sa Kapuso Network.

Nagsimula noong Aug. 7 ang tinatawag na ghost month at matatapos ito sa Sept. 4. Three years ang exclusive contract ni Marian sa kanyang home studio.

 â€œThis is where my heart is. Kapuso all the way,” ang message ni Marian sa kanyang fans, ilang oras matapos maganap ang pagpirma niya ng kontrata sa Manila Polo Club sa Forbes Park, Makati City.

Very happy ang fans ni Marian. Para sa kanila, wise decision na manatili sa GMA 7 ang favorite actress nila.

Dingdong inaabangan na sa pagre-renew bilang Kapuso

Inaabangan ang pagre-renew ni Dingdong Dantes ng kontrata sa GMA 7 dahil malapit na rin ang expiration ng kanyang exclusive contract.

Natakot ang fans ni Dingdong nang ma-sight ito noon sa ABS-CBN. Ang akala nila, nag-ober da bakod na si Dingdong sa Kapa­mil­ya Network.

Nakahinga nang maluwag ang fans nang malaman nila na tungkol sa pelikula na pagtatambalan nina Bea Alonzo at Dingdong ang dahilan ng pagpunta ng aktor sa ABS-CBN compound.

Maganda ang relasyon ni Dingdong sa GMA 7 management. Walang reason para mag-isip siya na lumipat sa ibang TV station.

Kesa dumakdak, Chito matutulungan ng NBI kung magrereklamo ng legal

Habang ipinagtatanggol ni Chito Miranda ang kanyang girlfriend na si Neri Naig, lalong lumalaki ang eskandalo tungkol sa kanilang private video na pinagpipistahan pa rin ng maraming Pinoy sa buong mundo.

Mas makabubuti na manahimik ang Parokya ni Edgar vocalist dahil lalong nadidiin ang kanyang girlfriend. Nadadamay na rin ang ibang tao at nagsasanga-sanga na ang isyu. May mga nagdududa na nga sa motibo ng walang kapaguran na pagsasalita ni Chito tungkol sa kontrobersiyal na isyu.

 Kesa mag-litanya, dalhin na lamang ni Chito sa proper forum ang kanyang problema at ito ay ang korte. Makakatulong ang korte para magkaroon ng hustisya ang pagkalat ng private video na ninakaw mula sa kanyang kuwarto. Handa rin ang NBI (National Bureau of Investigation) na tumulong sa frontman anytime na hingin nito ang kanilang tulong. Napakadali sa NBI ang mag-trace ng pinanggalingan ng video o ng tao na nag-upload sa social media ng private video nina Chito at Neri.

Mga transgender at transsexual nag-iingay

Panahon ngayon ng mga transgender at transsexuals. Ang transgender na si Mimi Juareza ang nag-win ng best actor trophy sa New Breed category ng 9th Cinemalaya Independent Film Festival, maingay na maingay ang pangalan ni Francine Garcia aka Kim Chiu, ang nanalo sa Super Sireyna contest ng Eat Bulaga na guest namin kahapon sa Startalk, pati na si Hazel Timotera, ang transsexual wife ng former Starstruck contestant na si Bugz Daigo.

Nagkamali pa yata ng paglantad sina Bugz at Hazel dahil naiintriga na ngayon ang kanilang pagsasama. Tahimik ang kanilang relasyon noong hindi pa sila nagpapainterbyu sa TV pero nagbago ang lahat dahil sa pagsasalita nila.

Ngayon masusubukan ang katatagan ng relasyon ng dalawa. You and me against the world ang kanilang drama dahil sa tsismis na hindi boto sa relasyon nila ang pamilya ni Bugz.

vuukle comment

BEA ALONZO

BUGZ

BUGZ DAIGO

CHITO

CHITO MIRANDA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

FORBES PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with