^

Pang Movies

Movie-TV personality nawala sa morning show, balik sa pagdodroga

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nagtataka kami kung bakit nawala sa isang morning show ang isang male movie-TV personality. Dati na siyang gumagamit ng droga kaya nawala sa limelight. Pero nakabalik naman at lalo pa ngang naging guwapo.

Naibulong ng aking source na kaya ngayon ay nawala na naman sa isang morning show ang movie-TV personality ay bumalik na uli sa kanyang barkada na malaki ang impluwensiya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sayang dahil malaki ang pag-asa nitong mas lalong sumikat.

Lovi hindi sanay kay Cesar

Abala ngayon ang Primera Aktresa na si Lovi Poe. Simula July, ang bagong indie film nitong Sana Dati ay entry sa taong ito sa Cine­malaya Independent Film Festival. Magkakaroon ng gala night sa July 30 sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines. Ikalawang indie movie na ito ng aktres.

Ngayon ay sinisimulan ni Lovi ang document-drama na Titser at magkakaroon na ito ng pilot telecast sa Agosto 4 sa GMA News TV. Gagam­panan nito ang papel ng isang estudyante na gagawin ang lahat para maabot ang pa­ngarap na maging guro sa kanilang bayan. Sa unang pagkakataon ay makakatrabaho nito ang URIAN awardee director na si Alvin Yapan.

Sa Agosto 26 ay may teleserye itong Sa Akin Pa Rin ang Bukas. Gagampanan ni Lovi ang karakter ni Lovella na umibig sa isang mahirap na lalaki na gagampanan ni Rocco Nacino na laban naman sa kalooban ng kanyang lolang si Helen Gamboa.

Na-in love rin sa kanya ang kanilang family lawyer na si Cesar Montano sa kabila ng pagiging engaged nito kay Solenn Heussaff. Sa direksyon ito ni Laurine Guillen. Second time na niyang makatrabaho ang premyadong direktora.

First time niyang makatrabaho si Cesar at ayon sa young actress ay kinakabahan siya hanggang ngayon dahil ang galing, galing nitong katrabaho.

Ngayong Sept. 7 naman nakalinya ang Lihis sa direksiyon ni Joel Lamangan.

vuukle comment

ALVIN YAPAN

CESAR MONTANO

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

HELEN GAMBOA

INDEPENDENT FILM FESTIVAL

JOEL LAMANGAN

LAURINE GUILLEN

LOVI

LOVI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with