^

Pang Movies

Video ni Maricel na nahihirapang magsalita burado na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Knows ko na kung sino ang nagpatanggal ng kontrobersiyal na video ni Maricel Soriano sa YouTube. May kinalaman sa pelikula na Oh My Mamma Mia ang tao na nag-utos na alisin ang video dahil hindi ito makakatulong kay Maricel at sa coming soon movie nila ni Eugene Domingo.

Ibang Maricel ang napanood sa natsugi na video dahil hirap na hirap siya sa pagsasalita. Mabilis na kumalat ang video at nakarating agad ito sa tao na mabilis na umaksyon at nag-utos na alisin ang video sa YouTube site ng Viva Entertainment. Itago natin sa pangalan na Wenn ang mystery guy na nagpakita ng concern kay Maricel at sa pelikula nito.

Malou Choa-Fagar nagkaroon ng welcome dinner sa PAMI

Si Malou Choa-Fagar ang bagong member ng Professional Artist Management, Inc. (PAMI), ang samahan ng mga talent manager sa showbiz.

Nagkaroon ang PAMI ng welcome dinner para kay Mama Malou sa isang restaurant sa Quezon City noong Huwebes.

Very much qualified si Mama Malou na maging member ng aming samahan dahil sa karanasan niya sa entertainment industry. Well-loved si Mama Malou sa showbiz, tulad ko. Tulad ko raw o!                              

JC walang nagkakainteres na i-manage

Mabuti na lang at hindi napikon ang talent manager na tinuksu-tukso ko na nagdala kay JC de Vera sa ABS-CBN.

Matinding pinabulaanan ng talent manager ang balita na may-I-bring niya sa Kapuso Network ang aktor na nawalan ng direksiyon ang career mula nang umalis sa poder ni Annabelle Rama.

Parang walang gustong mag-manage kay JC kaya mukhang tama ang desisyon niya na ipa-manage ang career sa kanyang mga magulang.

Isa si JC sa mga promising actor noon pero nagbago ang takbo ng kanyang career dahil sa mga isyu na kinasangkutan niya. Na-turn off ang fans sa sinabi ni JC na hindi siya dapat madamay sa away noon ni Annabelle at Mama Wilma Galvante dahil alam ng lahat na nagkaroon ng hidwaan ang dalawa dahil sa kanya. Umabot pa nga sa korte ang problema nina Bisaya at Mama Wilma na bossing na ngayon sa TV5, ang network na nilipatan ni JC nang hindi ito mag-renew ng kontrata sa GMA 7.

Misibis Bay extended, sikat na sikat na

Extended ang airing ng Misibis Bay ng TV5 dahil sa magandang ratings ng programa. Marami rin ang commercial load ng sexy serye na pinagbibidahan ni Ritz Azul.

Malaki ang naitulong ng Misibis Bay kay Ritz dahil sa isang event na dinaluhan niya, Misibis ang tawag sa kanya ng fans na nag-abang sa pagdating ng kanilang mga paboritong artista.

Sikat na sikat sa Mindanao ang Misibis Bay. Kung pupunta si Ritz sa Mindanao, tiyak na pagkakaguluhan siya ng avid viewers ng kanyang primetime show sa TV5.

Rufa Mae binago ni Direk Marlon

Malalaki ang standees ng Ang Huling Henya sa mga sinehan. Tama ang sinabi ni Marlon Rivera na binago niya si Rufa Mae Quinto sa bagong pelikula nito dahil hindi agad nakilala ng mga tao na si Rufa Mae sa standee ng Ang Huling Henya.

Si Marlon ang direktor ng Ang Huling Henya na nag-resign sa trabaho para mag-concentrate sa paggawa ng pelikula. Ni-reinvent ni Marlon ang hitsura at acting ni Rufa Mae sa relaunching film dahil sa kanyang paniniwala sa talent ng sexy comedienne.

                                                 

 

vuukle comment

ANG HULING HENYA

ANNABELLE RAMA

DAHIL

DIREK MARLON

MAMA MALOU

MISIBIS BAY

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with