^

Pang Movies

Sid Lucero sa indie muna habang nagpapapayat

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Sa mga naka-miss sa pagkawala ni Sid Lucero sa TV dahil sa balitang isa siya sa mga nakatanggap ng “fat memo” mula sa Kapuso Network, kasabayan pa niya ang pinsang si Geoff Eigenmann sa pagpapayat, mapapanood ang aktor sa pelikulang David F na kasali sa Cinemalaya Independent Film Festival na produce ng APT Entertainment at Friday Skies Films sa direksiyon ni Emmanuel Quindo Palo.

“I am here to stay. I owe my life to the Philippine industry,” sabi ni Sid sa isang interview.

Kaya walang balak mag-quit sa showbiz ang aktor, mawala man sa eksena ay saglit lang. Babalik at babalik pa rin si Sid sa aktingan mapa-TV man o movie at kahit na sa indie film kung saan din siya in demand.

Marami ang matutuwa na muling masisilip ang husay ni Sid sa aktingan. Na­ging busy siya sa kanyang pagdyi-gym para makapagbawas ng timbang. Depende raw kasi sa hinihingi ng role na minsan ay meron talagang physical pressure tulad ng last project niya sa Love & Lies ng GMA 7.

Tinutupad din niya ang mahigpit na bilin ng kanyang Daddy Mark Gil na “Love your job” at in return ay may magandang reward na inaani naman ni Sid sa dami ng acting awards na natatanggap pati na rin sa mga magagandang review sa kanyang acting job.

Eula mahilig sa mga zombie

Kasama rin si Eula Valdez sa Daniel F, pati na rin ang dwoya na si Rocky Salumbides. Mukhang package deal ang kanilang pagsasama sa isang project. Kinakatwiran naman ni Eula na nagkataon lang dahil pareho sila ng manager ng kanyang kinakasama.

Samantala, nagpapasalamat si Eula na patapos na ang Cassandra: Warrior Angel ng TV5. Na-enjoy ni Eula ang palabas dahil mahilig talaga siya sa fantasy-horror tulad ng US TV series na Walking Dead.

Billy hindi na makapaghintay kay Nikki?

Mukhang mas pumayat si Billy Crawford. Epekto ba ito ng paghihiwalay nila ng girlfriend niyang si Nikki Gil? Marami talaga ang nanghinayang sa hiwalayan ng dalawa na ang akala ng lahat ay mauuwi rin sa kasalan.

In fairness kay Billy, professional naman siya sa pagho-host sa It’s Showtime at game na game pa sa pakikipagbiruan na parang walang pinagdadaanan. Pero hindi maitatago sa mga mata nito ang nakikitang lungkot.

Hindi pa nai-erase ang mga masasaya nilang pictures kaya baka possible pa sigurong maayos ang gusot nilang dalawa. Naalala ko sa isang interview, sabi ni Billy ay hindi niya pinagmamadali si Nikki na mag-asawa sila kahit mas matanda ang TV host-singer. Gusto raw niya munang ma-enjoy ni Nikki ang kanyang career.

 

 

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DADDY MARK GIL

DANIEL F

DAVID F

EMMANUEL QUINDO PALO

EULA

NIKKI

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with