^

Pang Movies

Paolo nagpa-lipo?!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung merong isang atat na actor na gustong gumanap na bading husband o lover sa teleserye at pelikula, ito’y walang iba kundi si Paolo Contis.  Kayang-kaya raw ni Paolo yon dahil nag-bading na siya sa pelikula ni Keana Reeves.

Nagpunta kamakailan si Paolo sa isang beauty clinic at mukhang nagpa-lipo dahil medyo gumanda ang katawan niya ngayon.  Pero ayaw niyang magsabi kung ano ang ipinaretoke niya sa katawan.

Lalong ayaw niyang magsalita tungkol sa balitang ipinapa-annul na nila ni Lian Paz ang kanilang kasal.  Sa instagram, mukha namang masaya si Lian sa piling ng bago niyang lalaki sa buhay.

Ayaw magsalita ni Paolo kaya ‘yung nanay niyang si Mommy Jean ang nagtsika sa friend namin. Sabi niya, nalulungkot siya sa kinasapitan ng relasyon ng anak niya kay Lian.  “Talaga sigurong hindi siya masuwerte sa babae,” maikli raw nitong sabi.

Mga hapon relate na relate sa mga joke ni Allan K

Successful sa Japan ang Eat Bulaga kamakailan pero sa Dabarkads, si Allan K. ang pinakapatok dahil marunong magsalita ng Japanese.  Kuwela sa mga Japanese ang kalaswaan jokes niya.  Kahit yata siya lang halimbawa ang mag-show doon ng solo, dudumugin ng mga tao.

 Asenso talaga ang Eat Bulaga.  Talung-talo nila ang kapanabayang Wowowillie.  Balita nga na umatras na ng time slot ang show ni Willie Revillame dahil ayaw nitong makasabay ang show ni Ryzza Mae na mas patok sa audience. 

Wala pa rin talagang makakatalo kapag umiral na ang machinery at utak ng mga taga-TAPE, INC. 

Maligayang kaarawan…

Greetings!  Happy birthday po sa lahat ng mga July celebrants.  Ms. Mercy Lajarde, Ricky Calderon, Direct Armand Reyes, Leo Bukas, ABS CBN Bandila Newscaster Mr. Julius Babao, Maricris Valdez, TV Patrol, segment producer, Mario Dumaual at ang inyong lingkod.

May the Lord Jesus Christ blessed us always and more power!

                                                                                           

vuukle comment

ALLAN K

DIRECT ARMAND REYES

EAT BULAGA

KEANA REEVES

LEO BUKAS

LIAN

LIAN PAZ

MARICRIS VALDEZ

MARIO DUMAUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with