^

Pang Movies

James Bond nagluluksa sa namatay na anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagluluksa ngayon ang aktor na si Pierce Bros­nan dahil sa pagkamatay ng kanyang 41-year-old daughter na si Charlotte dahil sa sakit na ovarian cancer.

Dalawa ang naging apo ni Brosnan kay Charlotte na kanyang inampon noong 1986. Anak si Charlotte ng unang asawa ni Brosnan na si Cassandra na namatay din dahil sa ovarian cancer in 1991.

“Charlotte fought her cancer with rare grace and humanity, courage and dignity. Our hearts are heavy with the loss of our beautiful dear girl. We pray for her, and that the cure for this wretched disease will be at hand soon. We thank everyone for their heartfelt condolences,” say ni Brosnan sa kanyang statement sa media.

The 60-year-old actor who starred in four James Bond movies mula 1995 hanggang 2002 ay may apat pang anak.

Mga pangarap ni Karla ibinigay ni Daniel!

Si Daniel Padilla ang tumupad sa pangarap ng kanyang inang si Karla Estrada na magkaroon sila ng kanilang sariling bahay.

Si Daniel ang No. 1 teen heartthrob ngayon at isa sa pinaka-in demand na product endorser. Kaya hindi kataka-takang makaipon na para makapagpagawa ng bahay nila.

Sa press launch ng TV commercial ng Lily’s Peanut Butter na tampok ang mag-inang Daniel at Karla, sinabi ni Karla na hindi niya inakala na ang kanyang panganay ang siyang magtutupad ng matagal na nilang pangarap.

“Alam kasi ni DJ (nickname ni Daniel) ang mga matagal ko nang gusto. Bata pa lang siya, nakakausap ko na siya kaya marami siyang alam.

“Never ko naman naisip na maaabot niya ang ganitong estado. Hanggang ngayon, bilang ina niya, manghang-mangha pa rin ako.

“Kita n’yo naman, pati ako nabiyayaan. Nagkaroon pa ako ng pagkakataon na magkaroon ng TV commercial na never nangyari sa akin noong nagsimula akong mag-artista.

“But I knew na noong ipinanganak ko si DJ there was something special about him. Never ko namang naisip na magiging teen heartthrob siya sa panahon na ito,” pahayag ni Karla.

Glaiza isinabayang raketsa bakasyon

Ngayong July 5 na ang uwi ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro mula sa kanyang matagal nang hinihi­ling na bakasyon.

Matagal nang plano ni Glaiza ang makapagbiyahe at ma-enjoy naman ang mag-travel.

“Masasabi ko na I deserve this vacation. Matagal ko nang pinlano ito at ilang beses na ring hindi natuloy dahil biglang may pumapasok na trabaho.

“Nagkataon naman na okay na ang schedules ko at napayagan akong bumiyahe. Kaya sobra kong na-enjoy ang bawat moment ng vacation ko,” say pa ni Glaiza nang makapanayam namin siya via direct messaging sa social networking site na Twitter.

Pero bago nga ma-enjoy ni Glaiza ang kanyang bakasyon, ginawa niya munang magtrabaho dahil uma-attend siya at ilang Kapuso stars ng Philippine Independence Day celebration sa US noong nakaraang buwan.

Bukod sa US ay lumipad din si Glaiza papuntang Dubai last June 26 na itinuloy niya ang kanyang natitirang araw ng bakasyon.

“Actually, rumaket din ako roon,” sabay tawa pa ni Glaiza.

Pag-uwi ni Glaiza ay haharap na siya ulit sa taping para sa sitcom na Vampire ang Daddy Ko at sa rehearsals for Sunday All Stars.

 

vuukle comment

BROSNAN

BUT I

DADDY KO

GLAIZA

JAMES BOND

KANYANG

KAPUSO

KARLA

KARLA ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with