^

Pang Movies

AiAi nasa paraiso na!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bahagi ng healing process ng komedyanang si AiAi delas Alas ang pagpunta ng USA. Doon muna siya magmuni-muni at ie-enjoy muna niya ang kanyang buhay kasama ang binatang anak na si Sancho Vito.

Nagharap na si AiAi at ang dating asawa niyang si Jed Salang sa korte sa Quezon City Hall of Justice kamakailan kaugnay sa hiniling ng comedienne na Permanent Protection Order (PPO) para sa kanya at sa kanyang mga anak.

Hindi na muna nagbigay ng komento ang aktres pagdating sa kasong isinampa laban sa dating asawa.

“No comment” lang din ang sagot ni AiAi kung totoong bukod sa PPO, nagsampa rin siya ng kasong Violation of R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children. At kung magpa-file na siya ng divorce sa Amerika.

Naniniwala siyang hindi ganoon kadali ang pagdaraanan niyang proseso para mag-heal ang sugat at makapag-move on siya sa pinagdaanan niya.

“I’m starting to heal. Hinihilom naman ang mga sugat pagdating ng panahon. Sabi nga ni Direk Wenn [Deramas], ang pain naman hindi naman shortcut, talagang it’s a process.

“Hanggang sa makasanayan mo na wala na lang, hanggang sa maghihilom na lang ang sugat sa tamang panahon. Ayoko na rin magalit.

“Noon pa, sinabi ko, I trust the Lord. Siya na lang bahala,” pahayag pa ni AiAi.

Samantala, kita ang kasiyahan sa mukha ni AiAi nang makarating na sila sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California noong June 20, dahil nagkasama na silang buong pamilya — siya at ang kanyang tatlong anak na sina Sancho, Sophia, at Nicolo.

Sa Instagram (IG) post ng Comedy Concert Queen, sinabi nitong magpapaka-ina muna siya sa buong isang buwan ng kanilang bakasyon sa Amerika.

 â€œParadise with my children yahoo!!!

 

vuukle comment

AMERIKA

COMEDY CONCERT QUEEN

DIREK WENN

JED SALANG

LORD. SIYA

LOS ANGELES

PERMANENT PROTECTION ORDER

QUEZON CITY HALL OF JUSTICE

SA INSTAGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with