^

Pang Movies

Mga kumampi kina Annabelle at Nadia naiwan na sa ere

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nagkasundo na sina Annabelle Rama at Nadia Montenegro na iurong ang mga demanda laban sa isa’t isa. Buti naman na nagkabati na ang dating very close friends.

Ano kaya ang mangyayari sa isang dati nilang mutual friend na kumampi sa isa at siniraan naman ang kabilang panig? Makasundo kaya niyang muli ang kaibigang labis na pinasama sa mata ng ibang tao?

Aga at Charlene nagpapaka-healthy

Popular ngayon sa mga health buff ang Focus Athletics. Bagong programa ito upang maging healthy o physically fit na pinagsama ang usual workout therapy at modern process of strength and power-building at rehabilitation.

Ang mag-asawang Aga at Charlene Muhlach, seryosong sinusunod ang mga routine sa Focus Athletics. Morayta (mura) lang ang magpa-enroll sa programa. Pay only P8,000 at puwede na kayong magpunta sa kanilang center, kahit ilang beses ninyo gusto, sa loob ng isang buwan. Kahit araw-araw puwede kayong mag-attend ng training.

Kabilang sa mga artistang nasa Focus Athletics training sina Anne Curtis at Iza Calzado. Pati ang mga sikat na athlete na may minor injuries ay nagpupunta rito.

Sa programa ay gumagaling ang kanilang mga sprain at ibang injury dulot ng kanilang sports. Dapat lang dalhin ninyo ang medical records para iakma sa inyong katawan ang programang gagawin ninyo.

Richard kakanta na sa bar

Tampok si Richard Yap sa fund-raising concert ng Philippine Movie Press Club, billed as Hearts and Songs, to be staged at Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City on July 13.

Maraming guest stars sa show at posibleng makasama ang leading lady ni Richard sa Be Careful With My Heart na si Jodi Sta. Maria. Also starring in the show are Marion Aunor and Michael Pangilinan.

For tickets, puwede kayong tumawag sa 0929-9087866.

Dating aktres na may anak na singer/actress hindi na nagpapakita sa bilyonaryong tumanggi sa hinihingi niyang pabor

Mukhang isinumpa na ng isang former actress ang isang rich showbiz personality na tumanggi sa hinihinging pabor. Napahiya yata ang aktres nang sa harap ng maraming tao ay hindi pinagbigyan ng mayaman ang isang simpleng hiling ng mother ng isang singer/actress.

Sabi ng mga close sa mayamang artista, hindi na bumalik sa lugar ng bilyonaryo ang aktres. Well, kahit ano pa ang gawin ng mahilig humingi ng pabor, hindi na mauubos ang datung in several lifetimes ng artistang nilapitan niya.

Shamcey tumanggap ng maraming alahas sa engagement

Pinag-uusapan ang nalalapit na kasal ng Miss Universe runner-up na si Shamcey Supsup on Dec. 29, to her Fil-Chinese boyfriend of two years.

Dumalo sa engagement party nina Shamcey at Lloyd Lee ang kanyang mga fellow beauty queen na sina Venus Raj, Janine Tugonon, at reigning Bb. Pilipinas Universe Ariela Arida.

Typical Fil/Chinese engagement ang nasaksihan nila sa engagement ritual. Isinuot o ibinigay kay Shamcey ang maraming mga ternu-ternong mamahaling alahas ng pa­rents ng kanyang fiancé. Sa mga tinanggap na pieces of jewelry ng architect/beauty queen ay malaking kayamanan na!

Dahil walang Shake…, young stars sa MMFF kakaunti na lang

Maraming nanghinayang na hindi sumali sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang most successful film franchise na Shake, Rattle & Roll. Lalo na ang mga bagets at young star na pala­ging nabibigyan ng magandang break sa dating annual horror trilogy mula sa Regal Entertainment, Inc.

Sana makasali naman ang mga kabataang artista sa mga walong official entries ng MMFF.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BE CAREFUL WITH MY HEART

CHARLENE MUHLACH

FOCUS ATHLETICS

HEARTS AND SONGS

SHAMCEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with