^

Pang Movies

Venus hindi nanghihinayang na nawalan ng lalaki!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakita naming masaya si Venus Raj sa ninth anniversary ng Mercator na ginanap sa Prive Luxury Club sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Sinabi ng former beauty queen na naka-move on na siya sa malungkot na nangyari sa buhay niya kamakailan. Hindi niya kailangang magmukmok dahil tuloy lang ang buhay.

Marami ang nagulat nang bigla kasing mabalitang hiwalay na si Venus sa kanyang boyfriend of three years na si Andrei Felix. Walang nabalitang nag-away sila dahil nakikita silang very sweet sa isa’t isa sa morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda. Akala ng marami ay mauuwi sa kasal ang relasyon ng dalawa.

 â€œMasaya ako ngayon dahil wala nang rason para maging malungkot ako. Isa lang ’yun sa masasabi kong pagsubok sa buhay ko. I don’t want to dwell on that for a long time.

“Sabi nga nila, lalaki lang ’yan. Maraming mas mahalaga kesa sa isang lalaki. Nandiyan pa rin ang pamilya ko, mga kaibigan... kaya walang rason para malungkot ako ngayon,” paliwanag ni Venus.

Sasabak na rin sa paggawa ng indie film si Venus at bida siya sa Florante at Laura na mula sa direksiyon ni Chris Pablo.

Young actress nagtapos muna ng pag-Aaral bago inatupag uli ang pag-arte

Pagkatapos ng walong taon ay muling bumalik sa pag-aartista ang dating Kapuso teen star na si Julianne Lee. Ngayon ay Julie Lee na ang ginagamit niyang name.

Nagsimula noon si Julie sa programang Joyride at nakasabay niyang magsimula sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi. Nakasama rin siya sa ilang mga show tulad ng Mulawin, Marinara, Sugo, Kakabakaba Adventures, at Majika.

Lumabas din siya sa mga pelikulang Let the Love Begin bilang barkada ni Angel Locsin at Ako Legal Wife bilang anak naman nina Zsa Zsa Padilla at Jay Manalo.

Nag-decide na iwan muna ni Julie ang showbiz dahil gusto niyang makatapos ng kanyang pag-aaral. Sa Australia siya nakatapos ng college at doon na rin siya nagtrabaho for three years.

Inamin ni Julie na siya ang nagparamdam sa Kapuso Network na gusto niyang mag-showbiz ulit. Kaagad siyang nilagay sa afternoon drama series na Maghihintay Pa Rin, ang pinagbibidahan nina Bianca King, Dion Ignacio, at Rafael Rosell.

Sarah hindi makasuhan, kailangan munang arestuhin

Kahit nag-issue na ng arrest warrant ang Makati Regional Trial Court para sa Kapuso actress na si Sarah Lahbati dahil sa probable cause sa libel case, walang magiging kaso kung ang naturang warrant ay hindi ma-serve sa aktres na nasa Switzerland simula pa nung Jan. 13.

“The warrant of arrest is enforceable within Philippine territory. Hangga’t wala pang arrest, hindi magkakaroon ng hearing o trial na kaso ng libel,” say ni Atty. Gener Asuncion, counsel ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.

Dahil nga nasa ibang bansa si Lahbati, imposibleng mahatiran siya ng warrant of arrest.

May kasabihan nga na “no arrest, no case.”

    

 

 

vuukle comment

AKO LEGAL WIFE

ANDREI FELIX

ANGEL LOCSIN

BIANCA KING

BONIFACIO GLOBAL CITY

CHRIS PABLO

DION IGNACIO

JULIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with