^

Pang Movies

Katomboyan ni Charice matagal nang alam mula Aparri hanggang Jolo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ano pa ba naman ang pag-uusapan kung inamin man ni Charice na tomboy nga siya? Siya lang ba naman ang tomboy sa showbiz? Meron pa nga riyang nagpakasal sa tomboy eh kung tutuusin iyon ang mas grabeng issue. Pero hindi na pinansin. Hindi na rin naman bago sa Pilipinas ang ganung kaso. Ang daming tomboy dito, sampu isang pera na.

Meron pa ngang sikat na artista na alam na alam ng lahat na noong panahon ng kanyang kabataan ay nagkaroon din ng affair sa isang tomboy. Eh di tomboy na rin siya.

 Kung sabagay, siguro nga ’yan ang pagsisimulan ng lahat — ang pag-amin ng mga tomboy ng katotohanan. Tingnan ninyo ang mga bakla, simula nang umamin si Rustom Padilla na siya nga ay bakla, at tawagin pa ang sarili niyang BB Gandanghari, marami na ring iba pang bakla ang umamin. Isa na nga lang na gay matinee idol ang nagmamatigas pa at ayaw umamin hanggang ngayon.

Pero ang pag-amin ni Charice, parang wala na sa ayos kasi bago pa man siya umamin kumalat na ang balita tungkol sa pagtatanan nila ng girlfriend niyang singer din. Hindi naman sila nakapag-deny doon sa sinabi ng isang ninong niya tungkol sa isyu. Binawi nga lang ng mga magulang ang babae.

At saka doon ba naman sa ginawang ayos ni Charice sa sarili niya, na nagpagupit ng gano’n at nagpalagay pa ng tattoo sa katawan, may magdududa pa bang hindi nga siya tomboy? Aba, kami noong makita namin ang ayos niyang iyon siguro kahit na sabihin niyang babae siya hindi kami maniniwala eh.

Iyan ang isang example ng revelation na kung iisipin, hindi na nga kailangan pang i-reveal dahil alam na naman iyan ng lahat ng tao mula Aparri hanggang Jolo.

Valerie wala nang karapatang maging choosy

Natawa kami sa comment ni Valerie Concepcion. Bakit pa raw ba siya mamimili ng mga role na ibinibigay sa kanya? Kung magiging mapili pa siya, baka sa iba pa mapunta ang trabaho. Natural kailangan din naman niyang kumita ng pera dahil may anak siyang kailangang buhayin.

Noon sana maganda na ang takbo ng kanyang career kaso napabayaan din naman niya eh. Mali ang mga diskarte niya sa mga project na ginawa niya ’tapos nagkaanak pa nga. Paano pa ba siyang aangat kung ganun? Kung iyon sana ay nagawan ng isang mahusay na damage control okay lang.

Pero sa estado niya ngayon, talagang tama nga siyang kalokohan pang mamili pa siya ng mga role na iniaalok sa kanya.

Bold actor pumayag makipag-date sa gay comedian, isang pabor sa TV show ang kapalit

Maugong na maugong ngayon ang tsismis tungkol sa isang baklang comedian na nakipag-date raw sa isang dating bold actor. Mukhang pumayag naman sa kanya ang dating bold star dahil sa isang pabor na hinihingi na may kinalaman sa TV show ng baklang comedian.

Gano’n na ba talaga ang buhay ngayon?

vuukle comment

CHARICE

ISANG

KUNG

MERON

NAMAN

PERO

SIYA

TOMBOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with