^

Pang Movies

Young actress nagmamadaling tumanda

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Totoo nga na nagmukhang matanda ang young actress na trying hard na maging dalaga sa paningin ng fans.

Nakita ko ang latest pictorial ng bagets na hindi ko agad nakilala dahil naging kamukha na siya ng kanyang ina na carbon copy niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit minamadali ng young actress ang pagdadalaga. Pati ang klase ng pananamit niya, hindi bagay sa edad niya. Hindi pa huli para i-repackage ng young actress ang kanyang image or else, mother roles na ang gagampanan niya sa susunod na taon.

Sharon binigyan ng mga problemang sosolusyonan

Tatahimik-tahimik si Sharon Cuneta pero may pinagkakaabalahan pala siya, ang taping ng kanyang drama series na may pamagat na Kapitana de Barangay.

Si Joel Lamangan ang direktor ng drama series na tungkol sa mga problema na bibigyan ng solusyon ni Sharon. I repeat, drama ang programa ni Sharon sa TV5, hindi rea­lity show na kagaya ng Face to Face ni Amy Perez.

Pagkatapos ng mga pinagdaanan, Nancy magre-relax sa ibang bansa

Maraming salamat kay senator-elect Nancy Binay sa birthday card at gift na ipinadala niya sa akin.

Pupunta sa ibang bansa si Mama Nan­cy para mag­bakasyon, kasama ang kanyang pa­milya.

Karapa­tan ni Mama Nancy ang magpahinga da­hil matindi ang pinagdaanan niya noong panahon ng kam­panya at eleksiyon.

Ang sabi ni Mama Nancy, hindi niya na­kakalimutan ang pangako na birthday treat sa entertainment press. Matutuloy raw ang birthday dinner kapag nakabalik na sila ng kanyang pamilya mula sa kanilang biyahe sa ibang bansa.

Marvin tahimik pa sa eskandalo ng kanyang programa

Quiet pa ang kampo ni Marvin Agustin tungkol sa eskandalo sa kanyang reality show na kagagawan ng Karinder­ya Wars winner na si Vivian Pinlac.

I’m sure pinag-aaralan ni Marvin at ng production staff ng Karinderya Wars ang desisyon nila tungkol sa pag-amin ni Vi­vian na ito ang nanalo, kesehodang sa susunod na buwan pa ang grand final ng show.

Hindi nila puwedeng ipagwalang-bahala ang malaking kapalpakan na nangyari. It’s a must na maglabas ng statement si Marvin at ang kanyang production outfit. Dapat nilang harapin ang malaking problema na ginawa ng kanilang contestant. Mahirap nang i-deny na walang nilabag si Vivian dahil may mga ebidensiya na kasing liwanag ng sikat ng araw.

Nilabag ni Vivian ang confidentia­lity clause sa kontrata niya sa Karinderya Wars. Marapat lang na patawan siya ng parusa dahil sinira niya ang diskarte ni Marvin at ng production staff.

vuukle comment

AMY PEREZ

KANYANG

KARINDERYA WARS

MAMA NAN

MAMA NANCY

MARVIN

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with