^

Pang Movies

Pamilya OnGuard katuwang ng mga ina

Pang-masa

MANILA, Philippines - May katuwang na ang bawat ina sa pangangalaga ng kalusugan ng kanilang pamilya sa pama­magitan ng programa ng ABS-CBN na Pamilya OnGuard, ang kauna-unahan at nag-iisang health news advisory na hitik sa makabuluhang impormasyong pangkalusugan.

Sa pangunguna ng DZMM reporter at dating UAAP courtside reporter na si Tina Marasigan bilang anchor kasama si Angel Movido bilang reporter, ang Pamilya OnGuard ay naghahandog ng mga napapanahong balita at kaalaman sa kalusugan at hinihimay ang bawat anggulo nito sa tulong at panananaw ng mga eksperto. Nagbibigay pa ito ng practical tips para mas lalong makaiwas ang buong pamilya sa sakit. 

“Layunin ng programa na maiparating sa mga tao, lalo na sa mga nanay ng tahanan kung anu-ano pa ‘yong pwede nilang gawin para mas maging handa sa mga sakit at sakuna,” dagdag naman ni Angel.

Walang pinipiling biktima ang mga sakit at sakuna, kaya naman katuwang ng ABS-CBN ang ABS-CBN News Channel (ANC) at DZMM TeleRadyo sa cable at DZMM Radyo Patrol 630 sa radyo sa mas malawak na paghahatid ng impormasyon at para mas maraming pamilyang Pilipino ang maging on-guard.

 Tutukan ang Pamilya OnGuard tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes sa ABS-CBN Channel 2 tuwing 5:00 ng hapon, ANC (SkyCable Channel 27) tuwing 4:30 ng hapon at sa DZMM Radyo Patrol 630 at Teleradyo tuwing 5:15 ng hapon. Maging handa at protektado, maging onguard.

 

vuukle comment

ANGEL MOVIDO

BIYERNES

LAYUNIN

MIYERKULES

NEWS CHANNEL

PAMILYA

RADYO PATROL

TINA MARASIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with