^

Pang Movies

Macho actor na naanakan ang kapatid ng leading lady, gustong ipa-DNA ang anak

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nagkaroon ng romansa ang isang macho actor, hindi sa partner niya, kundi sa equally beautiful na kapatid ng kanyang leading lady.

Nagsilang ng baby girl, pero hanggang ngayon hindi pa maamin ng aktor na siya ang ama ng sanggol, mukhang hindi siya sigurado, kahit wala siyang alam na nakarelasyon ng kanyang girlfriend. Gusto pa yata ng DNA test, na malaki rin naman ang gastos.

Ginawa ang lahat para kumita ang pelikula!

Katuwiran ni Marian Rivera, wala siya sa sarili sa kissing scene nila ni Richard Gutierrez sa Regal-GMA Films na My Lady Boss, kaya hindi niya masabi kung mahusay humalik ang kanyang ka-partner.

“Pagharap kasi sa camera, iba na ang katauhan ko—ang character na role ko sa My Lady Boss,” paliwanag pa ni Marian. “Hindi na ako ang Marian Rivera. Kailangan kasi buo ang concentration ko sa character sa pelikula, upang maibigay ang hustong emotion sa aking ginagampanan.”

Unang nagtagumpay ang Richard Gutierrez/Ma­rian Rivera tandem sa blockbuster na My Best Friend’s Girlfriend, five years ago.

“Matagal na ‘yon kaya’t iba na ang audience ngayon,” tantya ng aktres tungkol sa bago nilang pelikula. “Maaring nagbago na ang kanilang taste, kaya’t hindi kami sigurado kung ganoon pa rin kainit ang pagtanggap nila sa aming tambalan sa My Lady Boss.”

Kaya naman ibinigay lahat nina Richard at Ma­rian ang kanilang the very best upang mapaganda nang husto ang kanilang pagbabalik tambalan. “Kaya kailangan namin ang tulong ninyo,” deretso niyang sabi sa mga taga-media.

Bilang Zach at Evelyn, napilitan magtrabaho ang rich boy na ginampanan ni Richard at naging lady boss niya ang brand manager, portrayed by Marian. Kahit romantic comedy ang My Lady Boss, may mga eksena rin itong heavy drama.

‘”Nakita ko kung paano umiyak si Chard sa mga dramatic scenes,” say ni Ma­rian. “He has really matured as an actor and I’m glad sabay naman kami na­ging mature performers. Ibang klase na ang pag-atake namin sa ipinagkatiwala sa aming roles ngayon sa ginawa namin five years ago.”

Habang palapit ang playdate ng My Lady Boss on April 10, higit na nagiging excited sina Richard at Marian, kung paano sila tatanggaping muli sa bagong Regal/GMA movie directed by Jade Castro.

Derek nabiktima ng manyakis na babae

Tinatawanan lang ni Derek Ramsay ang mga excited fans na lumalampas na sa kanyang comfort zone. Minsan, inamuy-amoy ng isang beki ang kilikili ng aktor. Isang may edad na babae naman ang niyakap siya ng mahigpit at pinag­halikan.

Na-offend siya nang ang isang babaeng contestant sa parlor game ay pinasok ang isang coin sa kanyang pants, na talagang lumampas sa boundary. Sobrang lalim ang nilakbay ng makasalanang kamay at kinapakapa pa ang kanyang tinatago sa loob ng pantalon! Manyakis!

Empress naliligaw ng landas?

Nagbilad na ng katawan si Empress Schuck sa isang sexy pictorial. Gusto lang daw niyang ipakita na handa na siya sa mga mature roles. Mukhang naliligaw ng landas ang young actress.

Iha, hindi naman pagiging mature ang paghuhubad. Ilang acting workshop na ba ang nasalihan mo. Hindi naman lahat naghubad, nagwagi ng acting trophy.

Condolence…

Condolence sa mga naulila ng aming mga kaibigan sina Kuya Mar de Guzman Cruz at Resty Vergara, na pumanaw kahapon.

Napag-usapan lang namin na delikado ang lagay ni Kuya Mar sa presscon ng My Lady Boss, dumating na agad ang malungkot na balita.

Si Resty na writer ng mga sosyalan, one of the best PR guy na nakilala namin. Ilang beses na nabalitang yumao si Resty noong mga nakaraang taon, pawang false alarm. Ngayon totoong iniwan na tayo ni Resty.

Mother iba ang pagmamahal kina Marian at Richard

Masaya kaming lahat na nakitang muli ng personal si Mother Lily Monteverde, matapos magkasakit, maoperahan, at gumaling nang husto. Pinakita  niyang mahal talaga niya sina Richard Gutierrez at Marian Rivera, dahil first time niyang dumalo sa isang function, after her operation.

vuukle comment

KUYA MAR

LADY

MARIAN RIVERA

MY LADY BOSS

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with