^

Pang Movies

Kaya gustong gawing permanente ang protection order Kris nakatikim ng pang-aabuso kay James

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dahil ayaw makipag-agawan ng espasyo sa mga diyaryo ang temporary protection order na hinihiling ni Kris Aquino sa korte para hindi makalapit sa kanya at sa anak na si Bimby ang ex-husband niya na si James Yap.

TPO lang muna ang  request ni Kris sa korte ng Makati City pero eventually, gusto ng kanyang mga abogado na maging permanent ang protection order at kapag nangyari ito, hinding-hindi na makakalapit si James sa anak nila na si Bimby.

Sinabi ko na nakikipag-agawan ng space ang Kris-James controversy dahil maingay na maingay ang isyu sa pagitan ng mga magulang ni Heart Evangelista at ni Senator Chiz Escudero.

Lumabas ang the truth and nothing but na ayaw ng parents ni Heart kay Papa Chiz dahil arogante at alcoholic daw ito. Very gentleman ang image ni Papa Chiz kaya hindi niya papatulan ang mga nakasisirang-puri na mga paratang. Ang sey ni Papa Chiz, naiipit lamang siya sa mga hindi pagkakaunawaan ng kanyang dyowa at ng mga magulang nito.

Parang hindi yata pabor ang buwan ng Marso para sa mga tao na isinilang ng February 14 dahil nasasangkot sila sa mga hindi ordinaryong intriga. Parehong February 14 ang mga kaarawan nina Kris at Heart.

Maraming babae ang naka-relate sa experience ni Kris na umalma kay James dahil gusto nito na makipagtsugihan sa kanya, itsurang hiwalay na sila at nang tumanggi siya, eh nakatikim ng verbal abuse na na-witness ni Bimby.

Hindi nag-iisa si Kris dahil may mga babae na kagaya niya na pinipilit ng kanilang mga ex-husband pero siyempre, kailangan  na marinig natin ang panig ni James na tiyak na hindi papayag na hindi siya makalapit  at mawalan ng karapatan sa sariling anak.
 Mali ang akala ng lahat na pagkatapos ng kanilang “settlement”, matatahimik na ang isyu ng hiwalayan nina James at Kris dahil lalong lumaki ang gulo at sangkot pa ang kanilang anak.

‘Tradisyon ko ang magtika at mamalagi sa bahay tuwing Mahal Na Araw’

May nagyayaya sa akin na pumunta sa Macau sa Holy Week pero tinanggihan ko, kahit tempting ang offer na sasakay sa private plane, mag-stay sa isang 6-star hotel at shopping money.

May ibang araw na puwede akong bumiyahe sa ibang bansa, hindi sa Holy Week dahil tradisyon ko na ang magtika at mamalagi sa bahay. Ito rin ang pagkakataon na makapagkalkal ako ng mga gamit ko na hindi na kailangan at siyempre, manood ng mga pelikula sa HBO at Star Movies.

Pakikiramay kay Kuya Mar

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Kuya Mar De Guzman Cruz, ang former editor ng Movie Flash magazine na yumao noong March 19.

Nakaburol ang labi ni Kuya Mar sa  Oleander Chapel ng Sanctua­rium sa kanto ng Quezon Avenue at Araneta Avenue.

Huli kaming nagkita ni Kuya Mar sa presscon ng Wowowillie sa Wil’s Events Place. Malakas na malakas siya noon kaya nakakabigla ang balita tungkol sa kanyang pagpanaw.

vuukle comment

ARANETA AVENUE

BIMBY

DAHIL

EVENTS PLACE

HEART EVANGELISTA

HOLY WEEK

KUYA MAR

PAPA CHIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with