^

Pang Movies

Alfred tutulungan ng mga Sang’re sa kampanya!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inimbitahan pala ni Alfred Vargas ang mga Sang’re ng epic series niya noon sa GMA 7, ang Encantadia, at pumayag na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, at Diana Zubiri na tumulong sa kanyang nalalapit na kampanya bilang congressman sa District 5 ng Quezon City. Kakausapin din niya si Karylle at tiyak namang hindi ito tatanggi sa kanya. 

Nagpapasalamat din siya sa marami pang sumusuporta sa kanya tulad nina Speaker Sonny Belmonte, Quezon City Mayor Herbert Bautista, at QC Vice Mayor Joy Belmonte. Maganda ang track record ni Alfred sa pagiging konsehal ng Quezon City dahil marami siyang naipasang bill na nakatulong lalo na sa livelihood ng kanyang distrito.

Biniro si Alfred ng mga kausap na entertainment press kung bakit sila ang gusto niyang kausap. Inamin ni Alfred na alam niya na una sa mga binabasa ng mga tao sa diyar­yo ay ang entertainment page kaya tiyak mababasa nila ang mga isusulat sa kanya. Nagpasalamat din siya sa Enpress na sila ang nagbigay sa kanya ng first acting award niya, ang Breakthrough Performance by an Actor sa Bridal Shower noon ng Seiko Films. 

At may ipagmamalaki naman si Alfred na tapos na siya ng economic management sa Ateneo University bago siya nag-artista at may two semesters na lamang tapos na niya ang public administration sa University of the Philippines. May dalawa ring farms si Alfred, isa sa San Jose del Monte, Bulacan at isa sa Rosario, Batangas na tinaniman niya ng mga gulay at fruit-bearing trees. May tatlo na rin siyang branches ng Elorde Boxing Gym sa Quezon City. 

Ang magandang wife niyang si Yasmine na malaki ang naitutulong sa kanyang mga kampanya ay kukuha ng franchise ng Flawless sa bagong Ayala Mall sa Fairview, Quezon City. Balak pa ring mag-produce ni Alfred ng pelikula, tulad nang successful niyang Supremo last November. Mga makabuluhang project ang gagawin niya.

 

vuukle comment

ATENEO UNIVERSITY

AYALA MALL

BREAKTHROUGH PERFORMANCE

BRIDAL SHOWER

DIANA ZUBIRI

ELORDE BOXING GYM

IZA CALZADO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with