^

Pang Movies

Oyo naiilang na tawaging anak si Vic!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Asiwa pa si Oyo Boy na tawaging “anak” si Vic Sotto sa kanilang bagong GMA 7 comedy show na Vampire ang Daddy Ko, written and directed by Bibeth Orteza.

Sa mga nakaraang pagsasama sa mga TV show ng mag-ama, laging suporta ang role ni Oyo. Sa bagong fa­mily action co-produced by GMA with M-Zet Productions, Oyo and Bossing Vic play the two major roles in the show.

Pareho ring nasa title ang kanilang mga papel. Si Oyo ang daddy at si Bossing Vic ang son. Isang vampire na 300 years old si Oyo.  Hindi tumatanda ang mga vampire kaya’t young pa rin ang hitsura ni Oyo as Vlad.

“I am still getting used to playing the father role,” amin ni Oyo. As one of the leading men of the show, alam ng young actor na masasanay din siya sa naiibang character na ginagampanan. Todo naman ang suporta ng kanyang tatay at lahat ng kasama sa Vampire ang Daddy Ko, na sina Glaiza De Castro, Bea Binene, Derrick Monasterio, Jackie Lou Blanco, Pilita Corrales Jimmy Santos, Ryzza Mae Dizon, Anjo Yllana, Jane (dating Jinky) Oda), Cef Cadayona, at ang bagong Korean actress na si Jin Ri Park as Bossing Vic’s leading lady.

Si Bibeth din ang may likha ng Okay Ka, Fairy Ko na tumagal ng maraming taon sa ere, hanggang iba’t ibang aktres na ang gumanap na Fae, ang misis na engkantada ni Enteng (Vic). Kaya ina­asahan na tatanggapin ng televiewers ang bagong Vampire ang Daddy Ko.

Amalia bibigyan ng TV career, isasama kay Susan!

Malapit nang magkatotoo ang hiling ng fans na magkasama sa isang project sina Susan Roces at Amalia Fuentes. Napag-usapan na ng mga dating Sampaguita Pictures stars ang tungkol sa paglabas sa isang teleserye.

Tanggap na nila ang idea, papayag sila sa offer, kung maganda ang istorya, at siyempre ng script ng teledrama. Hindi naman nabanggit kung magiging pihikan sila sa mga leading men at iba pang kasamang artista.

Sana mangyari ito this 2013 habang sinisipag pa silang umarte sa harap ng camera.

Mag-best friend na gay comedian at poging actor nagtikiman na walang bayaran

Nagkatikiman din ang sinasabing mag-best friend na gay comedian at poging actor. Pinatigasan kasi nila na walang malisya ang kanilang relasyon pero dumating din sa mga censored scene sa kama!

Nangyari ang walang patumanggang romansa, one cold evening. Ewan kung bakit naging bedtime story ang simple nilang pagkikita. Nadarang sa apoy ang dalawa hanggang na-involve sila sa sobrang init na eksena.

Ang maipagmamalaki ng bading, no money involved. Ganda lang talaga dahil pareho naman silang madatung. Puwede rin naman siyang magbigay ng expensive gift sa kanyang best friend after naganap ang hindi dapat mangyari.

Rico Blanco napagsasabay ang pagda-drama at pagho-host

Bihira sa mga artista ang lumalabas sa show ng magkalabang network. Nagulat kami na isa pang kilalang singer/composer ang napapanood ngayon sa ABS-CBN at TV5.

Drama ang role ni Rico Blanco sa May Isang Pangarap ng Kapamilya station at host naman siya sa talent search na Kanta Pilipinas ng TV5. Kung saang larangan higit na mag­ta­tagumpay si Rico — sa acting or hosting — ang mga televiewer ang huhusga.

Alex Santos tsinugi sa Kapamilya

Bakit kaya biglang naglaho sa ere ang broadcaster na si Alex Santos? Hindi na siya napapanood sa Umagang Kay Ganda, sa mga news program at kahit sa radio, wala na rn siya.

Hinihintay natin ang opisyal na pahayag ng kanyang network tungkol dito. Ano kaya ang naging prob­lema niya sa kanyang home station? May nag­sabing tungkol sa kanyang report na nawalang bata pero nakuha na pala pero consistent siya sa pagre-report na nawala ito.

vuukle comment

ALEX SANTOS

AMALIA FUENTES

BOSSING VIC

DADDY KO

OYO

RICO BLANCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with