^

Pang Movies

Kris iniyakan ang milyones na dagdag-bayad kay James

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May nagkuwento sa akin tungkol sa tweet ni Kris Aquino na lumuha ito habang pinipirmahan ang tseke na ibibigay niya kay “you know who”.

Milyun-milyong piso ang halaga ng tseke at masakit daw ito para kay Kris dahil mapupunta kay “you know who” at hindi sa kanyang mga anak ang datung na pinagpaguran niya.

Obvious na si James Yap ang “you know who” na tinutukoy ni Tetay at ang milyun-milyong piso ang last installment sa kanilang settlement dahil sa paghihiwalay nila.

Kung ako rin naman ang nasa lugar ni Kris, malulungkot at iiyak din ako dahil hindi barya-baryang pera na pinaghirapan niya ang mawawala.

So lucky si James ha? Naiintriga ako sa exact amount ng milyung-milyong piso na ibinayad sa kanya ni Kris. How much kaya?

Camille magba-babu na sa hosting, mag-aral ng anim na taon sa Europe

Goodbye hosting muna si Camille Villar dahil pupunta siya sa Europe para mag-aral at ayon ito sa kanyang madir, si Mrs. Cynthia Villar, ang one and only Mrs. Hanep Buhay.

Anim na taon na mag-aaral si Camille kaya hindi na carry ng kanyang sche­dule na maging co-host ni Willie Revillame sa Wowowillie.

Suportado ni Mama Cynthia at ng kanyang mister na si Sen. Manny Villar ang pag-alis at pag-aaral ni Camille sa Europe dahil importante sa kanila ang edukasyon ng anak.

Tiyak na mami-miss ni Camille ang mga kasamahan niya sa noontime show ng TV5. More than one year na mula nang maging TV host si Camille at nag-enjoy siya sa kanyang ginagawa. Nagkaroon din siya ng maraming kaibigan.

Mama Cynthia hindi kailangan ng celebrity endorser

Walang celebrity endorser si Mama Cyn­thia dahil mas gusto niya na makila­la siya ng mga tao dahil sa kanyang mga achieve­ment at advocacy.

Sa totoo lang, hindi kailangan ni Mama Cynthia ng mga celebrity en­dor­ser dahil alam ng milyun-mil­yong Pilipino na para sa mga mahihirap ang kanyang puso.

Napaka-simple na babae ni Mama Cynthia. Isang tao lang ang kasama niya sa kanyang mga lakad. Wala siyang body­guards dahil hindi siya kom­portable to think na can afford siya na mag-hire ng mga bodyguard.

Hindi kumandidato si Papa Manny dahil tutulungan niya sa pangangampan­ya ang kanyang pinakamamahal na asawa. Tapos na ang term ni Papa Man­ny bilang senador. Puwedeng-pu­wede siya na kumandidato para sa ibang posisyon pero pinili niya na mag-concentrate sa pagtulong sa kam­panya ng kanyang loving wife.

Pops panonoorin ng manliligaw na prominent figure sa Feb. 14 concert

Walang nangahas na magtanong kahapon kay Pops Fernandez tungkol sa prominent personality na nali-link sa kanya.

Nakuntento na lang ang mga reporter na pakinggan ang masaya na biruan ni Pops at ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera.

My lips are sealed. Hindi ko sasabihin ang name ng prominent fi­gure na diumano’y manliligaw ni Pops. May karapatan din naman ang Concert Queen na lumigaya bilang single siya.

Malay natin, baka lumitaw ang mystery suitor ni Pops sa Foursome, ang concert na mapapanood sa The Arena sa Feb. 14.

May mga VIP suite ang The Arena at perfect ito para sa mga manonood na masyadong pinahahalagahan ang kanilang privacy, tulad ng manliligaw ni Pops.

 

vuukle comment

CAMILLE

DAHIL

KANYANG

MAMA CYNTHIA

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with