^

Pang Movies

Xian pumatol sa fake news!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang daming nagagalit kay Xian Lim dahil sa magkasunod na pahayag niya tungkol kay Kim Chiu at sa breakup nila, obvious namang fake. Minura siya at kung anu-anong panlalait ang sinabi sa kanya. Hindi na mawawala ang mga salitang “user” “laos,” at “walang career” to describe Xian.

Mababasa ang diumano’y pahayag niya na “Hindi totoo na dahil sa steak kaya ako nakipag hiwalay, ayos naman magluto si Kim, hindi nga lang siya yung hinahanap kong timpla and besides na fallout of love na talaga ako sa kanya, maging happy na lang sana siya for me and Iris.”

Isang KimPau fan nina Kim at Paulo Avelino ang nag-post nito at ang nakakaloka, ang date kung kailan ito sinabi ni Xian ay July 16, 2022. Ano ‘yun, throwback post?

Heto pa ang isa, “I just wanted to defend myself. Kim Chiu is not a wife material. There’s nothing wrong with asking Kim Chiu to inform her fans that we’ve broken up and to announce to the public that my new girlfriend and soon-to-be wife is Iris Lee. Tanga na lang ang hindi makakaintindi. That’s all I can say.”

Sa interview kay Xian, wala naman siyang sinabing ganito. Saka, hindi pa niya tinawag na girlfriend si Iris at itinanggi ang isyu na tinawagan niya si Kim at ni-request na ito ang mag-announce na may GF na siya.

Kaya lang, ang daming naniwala sa fake news na ito at grabe na naman ang bashing sa kanya. Sabi ng mga galit sa kanya, happy sila na break na sila ni Kim, na nakawala ito sa gaya niya at nakahanap ng gaya ni Paulo.

May nanawagan pang i-boycott ang Playtime movie nina Xian, Coleen Garcia, Faye Lorenzo, at Sanya Lopez. May naniguro namang hindi kikita ang pelikula na sa June 12, 2024 pa ang sho­wing. Si Mark Reyes ang director nito at co-produced ng Viva Films at GMA Pictures.

Heart, ipo-promote ang Luneta!

Tsinika ni Sen. Chiz Escudero na may Station ID shoot ang asawang si Heart Evangelista kahapon. Station ID shoot for GMA Network na may scenes na kinunan sa Luneta Park. Marami tuloy fans niya ang na-excite na makita siya sa SID ng Kapuso Network.

Na-interview si Sen. Chiz sa DZBB and towards the end of the interview, natanong siya tungkol kay Heart. Ayun nga, ibinalita ng senador na may SID shoot ang asawa at sinegundahan ng kausap sa DZBB na sa Luneta ang location ng shoot.

Humirit pa ang male anchor ng “see you sa gala” na ang tinukoy ay ang GMA Gala 2024 happening sa July. Last year, si Sen. Chiz ang escort nito at malamang, ganu’n din ang mangyari this year.

Nagpagawa na ng gown sa isang Paris designer si Heart, hintayin natin kung ano ang sopresa niya sa kanyang fans pagdating sa kanyang isusuot. Sabagay, lagi namang on point ang suot niya kahit saan at kahit anong okasyon.

Sharon, ‘di pa binabalikan si Kiko!

‘Katuwa si Kiko Pangilinan sa post na “Hay... my lovely wife. Screenshot lang ng Video call pero kitang kita ang kakaibang kagandahan. Simple with a dimple. Love you. Miss you. Praying for your safety always. See you soonest!”

Nasa Italy sina Sharon at anak nilang si Miel Pangilinan at dahil European vacation ang nabanggit ni Sharon dati, mukhang hindi pa sila babalik ng bansa at se-segue sa ibang parte ng Europe. Mami-miss pa ni Kiko si Mega hanggang pagbalik nila ni Miel.

Marami ang naaliw sa post na ito ni Kiko at agree sila na maganda siya at nagpasalamat pa kay Kiko sa update sa asawa. May tumukso rin kay Kiko dahil sweet sa asawa at sana raw, lagi silang ganu’n.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with