^

Pang Movies

Kiray binitbit ang mga magulang nang makipag-date sa anak ni Piolo, aminado ring natitibo kay Marian!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakalkal kay Kiray Celis ang panonood nila ng sine at pagsu-swimming ng anak ni Piolo Pascual na si Inigo nu’ng humarap ang young comedienne sa anniversary presscon ng Luv U. Although marami naman silang magkakasamang lumabas, kinulit-kulit siya ng press upang detalyehin ang kaganapan sa date nilang ‘yon.

“Wala naman siyang gusto sa akin. Siguro lumabas lang ‘yung issue na nag-date kami. Nanood lang kami ng movie! Pero kasama ko po ang magulang ko, na­nay, tatay, kapatid ko. Kaibigan niya,” sambit ni Kiray.

Si Inigo raw ang nagyayang lumabas. Rason niya, bonding-bonding lang ang nangyari sa kanila.

“Saka hindi talaga ako lumalabas with friends na walang mama at papa! Very guarded ako. Kaya lang, feeling ko nga, natitibo ako. Kasi kay Ma­rian Rivera, naseseksihan talaga ako. Pero hindi siya darating sa point na bed. Parang inspiration!” rason niya.

Hindi pa kasi nagkaka-boyfriend si Kiray kahit 17 years old na siya. Ayaw niya raw kasing magkamali sa lalaking unang magugustuhan bilang dyowa.

Eh, paano si Igi Boy na ka-loveteam niya sa LU?

“Wala, kapatid lang. Kahit anong pilit kong magkaroon ng feelings, wala talaga! Ha! Ha! Ha!” katwiran ng batang komedyana.

Sa Sunday ang selebrasyon ng unang anibersaryo ng Luv U kung saan special guest ng show si David Pomeranz na kakanta sa eksenang JS prom. Kinagabihan naman, ang 8th anniversary ng Goin’ Bulilit ang ipagdidriwang ng network.

Risa HontIveros dedma sa mga manliligaw

Wala nang balak ang senatoriable na si Risa Hontiveros na mag-asawa. Sapat na ‘yung kasama niya ang kanyang anak na nagmamahal sa kanya at publikong pinaglilingkuran niya kaya dedma siya sa mga gustong umaligid sa puso niya.

Sa totoo lang, may showbiz inclination din naman si Risa. Marunong siyang kumanta na kanyang ipinamalas nu’ng wala pa siya sa public service. Kaya naman nang matanong ang reaksiyon niya sa tweet niya na si Iza Calzado ang gusto niyang gumanap bilang siya kung sakaling isapelikula ang buhay niya, katuwiran niya, “She’s so good. Very modest at ang lakas ng presensiya! I admire her acting and she’s very beautiful.”

vuukle comment

DAVID POMERANZ

IGI BOY

IZA CALZADO

KAYA

KIRAY

KIRAY CELIS

LUV U

NIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with