^

Pang Movies

Justin Bieber walang kamalay-malay sa ibang trabaho ni Pacman

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagharap ng isang resolution, 2962, ang ilang congressmen na kinabibilangan nina Amado Bagatsing ng Maynila, Carol Lopez ng Yacap, Seth Jalosjos ng Zamboanga del Norte, Antonio Alvarez ng Palawan, at iba pa na humihinging magbigay ng public apology ang singer na si Justin Bieber sa kasamahan nilang si Congressman Manny Pacquiao dahil sa ginawang graffiti ng singer sa Internet matapos na iyon ay pabagsakin sa laban ni Juan Manuel Marquez ng Mexico.

Talagang gigil na gigil sila, lalo pa nga’t may sinabi pa raw si Bieber na isang pagsasayang lamang ng oras para kay Floyd Mayweather Jr., na labanan pa si Pacman.

Siguro nga, may isang bagay silang hindi nauunawaan. Si Pacman, bukod sa pagiging isang congressman, ay isa ring boxer at isang showbiz personality. Kaya nga iba ang dating ni Pacman sa publiko. Dahil siya ay isang sports at isang showbiz personality, mas exposed talaga siya sa mga ganyang pangangantiyaw. Sigurado naman ginawa iyon ni Bieber bilang isang boxing fan, at wala sa isipan niya na si Pacman ay isa sa mga kagalang-galang na congressmen ng Pilipinas. Baka nga ni hindi niya alam iyon eh.

Palagay din naman namin, napakaliit ng bagay na iyon para mag-react ng ganun ang ating mga kongresista.

Napakaraming problema ng bayan. Marami tayong mga kababayan na hindi man namatay sa baha at landslide ay nanganganib na mamatay naman ngayon sa gutom dahil walang nakakarating na pagkain sa kanila. Nahahati ang opinion ng bansa ngayon dahil sa inaprubahan nilang RH Bill kung saan nagtabi sila ng tatlo’t kalahating milyong pisong pondo ng gobyerno na pambili ng condom at pills, samantalang kulang tayo sa classroom at napakaliit ng suweldo ng teachers at rural health workers.

Iyon sana ang inaasikaso ng mga congressmen at huwag na silang makigulo pa sa insultuhan nina Pacman at Bieber.

Nora tatambakan na ng awards sa MMFF dahil pelikula malabong kumita

Usap-usapan, possible nga raw na si Nora Aunor na ang papanaluning best actress sa darating na Metro Manila Film Festival dahil kung mananalo siya ay possible ang isang grand slam sa taong ito. Si Nora kasi ay sinasabing papapanalunin din naman ng ilang award-giving bodies na pabor sa kanya.

Ang pelikula ni Nora ay talaga namang ginawa na panlaban ng award sa acting, bagama’t mahihirapan siguro sa mga technical award dahil indie film nga ang Thy Womb at alam naman natin na low budget lang iyon kaya malabo sa technical.

Hindi rin naman inaasahang kikita ang kanyang pelikula dahil indie nga. At saka hindi na naman gano’n kalakas ang popularidad ng dating Superstar. Pero possible nga raw ibigay na sa kanya ang lahat ng awards para sa Thy Womb.

Aktres babayaran na lang pero titigbakin na ang show, aatrasan na ng sponsors sa bagong taon

  Mukha ngang totoo ang tsismis na kakausapin na lang ang isang aktres, babayaran pa rin naman ang kanyang guaranteed income pero baka magpalit ng format o itigil na ang kanyang show. Baka raw kasi sa pagpasok ng bagong taon ay wala na siyang sponsors.

 

vuukle comment

AMADO BAGATSING

ANTONIO ALVAREZ

BIEBER

CAROL LOPEZ

DAHIL

ISANG

NAMAN

PACMAN

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with