^

Pang Movies

Naitago ang ligawan sa madla: Kumpirmado, Shaina at Sam magka-relasyon na!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi pala totoo talaga ang tsismis na may namumuo raw something kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao at lalong hindi rin true ang iba pang napabalitang boyfriend ng young actress tulad nina Diether Ocampo at Gerald Anderson dahil ang latest na nasagap namin, it’s Shaina and Sam Milby!

Ayon ito sa isang source na parehong malapit kina Shaina at Sam. Nagde-date raw ngayon ang dalawa na ikinagulantang talaga namin dahil napaka-discreet naman ng mga ito if true. Imagine, wala man lang nakaka­kita sa kanilang dalawa at ni wala man lang kahit kaun­ting ingay na nagkakamabutihan sila.

But our source swore na magkarelasyon ang dalawa nga­yon at wala namang masama since pareho namang single sina Sam and Shaina.

Well, kung kami ang tatanungin, boto naman kami kay Sam for Shaina and vice versa. Matagal nang walang karelas­yon ang aktor at panahon na naman para lumigaya siya.

Si Shaina naman, as we all know ay galing sa isang breakup at she deserves to be happy din naman.

Kaya for sure, iwe-welcome naman ng showbiz ang balitang ito kung sakaling totoo man.

Vic pamilya ang kapiling sa noche buena

Kung si Vic Sotto ang tatanungin, kung puwede lang daw mag-No.1 lahat ng pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival ngayong Dec. 25, mas okay sana.

“Hindi ko iniisip ’yang kung sino ang number one na’ yan, numero lang ’yan eh. Ang importante, ma­gustuhan ng manonood ng pelikulang Pilipino ang mga pelikulang ilalabas ngayon ngang December,” sabi ni Vic na isa sa mga bida ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako na isa ring MMFF entry.

Pero ang maganda sa MMFF ngayon, naiba ang date ng parade. Kung dati ay Dec. 24, ngayon ay ginawa na itong Dec. 23. This means mas mae-enjoy na nilang mga artistang kasama sa festival ang Kapaskuhan.

 “Dati kasi December 24 ang parade, matatapos ’yun almost seven o’clock na ng gabi. Eh 8:30 ang misa sa amin. So, dire-diretso ako dun, ni hindi nga nakaka-goli eh. Pero this time makakapagpunas-punas na ako magsimba,” natatawa niyang sabi.

Ganito raw ang routine niya ’pag Dec. 24, misa muna, pagkatapos ay magsasalu-salo sila ng mga anak niya sa noche buena.

“Kung sino ’yung mga anak na puwede,” he said.

Magkakasama rin ba sila ng rumored girlfriend na si Pauleen Luna sa Pasko?

“Ay, dapat lang. Oo. Ba’t naman hindi? But meron din naman siyang pamilya to spend her Christmas with,” sagot ni Bossing.

So, ano ang plano nila to spend Christmas with each other? Dec. 24 or Dec. 25?

 “I really don’t know. Depende sa sche­dule ng mga pamilya namin,” sabi ng comedian-TV host.

Looking forward na nga si Bossing sa year 2013 at kung maganda ang 2012 sa kanya, wish niya ay mas maganda ang susunod na taon.

Nancy Binay, family affair ang panonood ng pelikula

Self-confessed movie buff ang anak ni Vice President Jejomar Binay na si Nancy Binay. Aniya nang makausap niya ang en­tertainment press sa isang get-together ka­makailan, mahilig siyang manood ng peli­kula whether foreign or locally produced.

Kasama raw niya parating nanonood ng sine ang kanyang mga anak at fami­ly affair para sa kanila ang panonood ng pelikula sa sinehan. Closely-knit daw ang kanilang pamilya kahit noon at madalas silang magkaroon ng family gathering sa Binay ancestral house sa Makati.

Kaya nga ang pagiging pulitiko ay hindi na rin naiwasan ni Nancy. She’s running for senator sa 2013 elections at siyempre, namana niya sa kanyang ama ang pagsisilbi sa mga tao.

Makati mayor pa lang ang kanyang ama ay natutunan na niya ang magsilbi sa mga tao dahil siya ang personal assistant nito at that time. Dito siya natututo to interact with the agencies and offices of the city government and learned the intricacies of planning city government programs.

When her father was elected vice president, siya rin ang naging personal assistant nito sa housing. She was liaison between the vice president and the agencies under the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Pero bukod dito, si Nancy din ang  Boards of Trustees of Brighthalls Children’s Foundation, Inc. which provides temporary refuge for infants and children below two years old who are abandoned or neglected, and the STF o Serbisyong Tunay Foundation, Inc. para sa personal accident insurance and other benefits, medical reimbursement and burial assistance ng Makati residents.

She is also an officer of the Bigay Pagmamahal Foundation, para naman sa college scholarships for poor Makati students in private and public colleges and universities.

Bigay Pagmamahal was founded by Vice President Binay when he was still Makati mayor.

vuukle comment

BIGAY PAGMAMAHAL

BIGAY PAGMAMAHAL FOUNDATION

KUNG

MAKATI

NAMAN

NANCY BINAY

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with