^

Pang Movies

Baron ganamit na excuse ang pagiging bipolar

SO....CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ayaw naming isipin na ginagawa na lang excuse ng ibang artista ngayon ang magkaroon ng kung anong sakit para lang malusutan ang anumang kinasasangkutan nilang gulo.

Tulad na lang ni Baron Geisler na kelan lang ay nasangkot sa isang away sa kanilang kapitbahay kaya siya nakaranas na makulong.

Dahilan ni Baron ang bipolar disorder niya kaya hindi niya makontrol ang kanyang emotions tuwing galit, malungkot, o masaya man siya.

 “May chemical imbalance po ako,” sabi ni Baron sa kanyang interview.

 “Actually, more on anxiety attacks po kasi naging overconfident po ako na naging maayos na po ako, especially right after rehab.”

Itinigil na pala kasi ng aktor ang paggagamot nung umokey na siya paglabas ng rehabilitation center noon.

“Naisip ko po na hindi ko na kailangang mag-meds. ‘Yun pala  kailangang tuluy-tuloy ‘yung pag-inom ng meds,” dagdag ni Baron.

Dahil sa pagkakakulong kamakailan ay nakaranas na mabugbog sa loob ng kulungan anga aktor. Pinatingin nga siya ng kanyang kuya na si Donald Geisler sa ospital para maipasuri ang kanyang mga pasa sa katawan. 

Pero iniiwasan nang pag-usapan pa ito ni Baron ngayon.

 “Pero gusto ko pong magpasalamat dun sa mga pulis. Gusto ko rin pong magpasalamat sa mga tao dun sa loob at prinotektahan naman ako sa loob.

 “At right now I just want to move forward and mag-concentrate na lang sa aking karera. And thank God, nandiyan pa rin po ang industriya,” saad ng aktor.

vuukle comment

AYAW

BARON GEISLER

DAHIL

DAHILAN

DONALD GEISLER

ITINIGIL

NAISIP

PERO

PINATINGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with