^

Pang Movies

Aktres na tomboy ang karelasyon, nakitang may kasamang lalaki sa airport

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

 

 

Dahil lalaki ang kasama ng aktres, nawala ang mga pag­dududa na tomboy ang karelasyon niya.

Hindi naman tsismis na may dyo­wa na tomboy ang aktres dahil ang mga kaibigan nila ang nag­ku­ku­wento tungkol sa kanilang love affair. Puwedeng hi­walay na ang aktres at ang tomboy kaya m­hin na uli ang karelasyon ng una. Mahirap mag-con­clude na may re­­las­yon pa rin ang aktres sa tiboli da­hil ma­­la­king eskandalo ito kapag nagkataon.

Related sa showbiz family ang tom­boy na guwapung-guwapo kung na­ging tunay na lalaki. Hindi ba­gu­han sa pakikipagrelasyon sa aktres ang tomboy dahil mas sikat na artista ang former girlfriend niya.

’Yun nga lang, hindi nagtagal ang kanilang pagsasama dahil natauhan na rin ang aktres na pinili na makipagrelasyon sa opposite sex. Lalaking-lalaki at walang bahid ng kabadingan ang current dyowa ngayon ng aktres.

Sharon dedma sa hiwa ni KC

Natawa ako sa nabasa ko na bakat ang hiwa ni KC Concepcion sa kanyang 2013 calendar.  Naninibago ako dahil hindi ako sanay na seksi ang mga publicity tungkol sa anak ni Sharon Cuneta.

In fairness, may magandang katawan si KC na puwedeng ipagmalaki at ayon sa mga naka-sight sa kanyang sexy calendar, disente ang pictorial niya.

Gustong malaman ng fans ang reaksiyon ni Sharon sa daring pictorial ng kanyang eldest daughter. Wait na lang kayo sa mga tweet ng Megastar.

Sikat na aktor inisnab ang pinagsasabi ng ex-GF na ’di matino

Nasa ibang bansa pala ang isang sikat na aktor kaya walang komento ang kam­po niya tungkol sa muling pagsasalita sa TV ng kanyang ex-girlfriend. Walang dapat iba­hala ang kampo ng aktor dahil walang pangit na sinabi laban sa kanya ang ex-girlfriend na masyadong ma­kulay ang buhay. Kung naging matino ang ex-girlfriend, baka sila pa rin ng aktor ang magkarelasyon.

Regine pipiyok na sa biglang pagpayat

Maraming salamat sa mga nanood ng Startalk noong Sabado dahil wagi sa rating ang aming show kahit ang  kuwento tungkol sa surprise wedding nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang katapat namin. Pinanood ng televiewers ang interview ng Startalk kay Katherine Luna at ang pagkawala ng boses ni Regine Velasquez sa Silver concert nito. Nakakabilib si Regine dahil hitsurang masama pa ang kanyang pakiramdam, umapir siya sa H.O.T. TV noong Linggo at ngayong tanghali, may presscon siya para sa Sexy Solutions ng Belo Medical Clinic. Magsasalita si Regine tungkol sa positive effects ng Anti-Plateau Diet Program na ginawa ng Sexy Solutions para sa kanya. Ang Sexy Solutions ang may kagagawan sa mabilis na pagpayat ng misis ni Ogie Alcasid.

 

vuukle comment

AKTRES

ANG SEXY SOLUTIONS

ANTI-PLATEAU DIET PROGRAM

BELO MEDICAL CLINIC

CARMINA VILLARROEL

DAHIL

KATHERINE LUNA

SEXY SOLUTIONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with