^

Pang Movies

Aktres nganga pagkatapos okrayin ang ieendorso sanang produkto

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang nanghinayang sa nawalang endorsement ng female celebrity na ito. Malaki pa naman sanang account iyon para sa kanya at makakadagdag sa pagpaganda ng image niya.

Kaso nga lang ay hindi mapigilan nito ang kanyang pagiging taklesa. Kung meron sanang pumigil sa bibig nito na magsalita ng hindi tama, lalo na kapag nasa paligid ang kliyente, tuluy-tuloy sana ang pag-asenso niya.

Kuwento ng aming source, sobrang na-turn off sa mga sinabi ng female celebrity ang kliyente na nandoon mismo sa studio. Narinig nila ang mga pinagsasabi tungkol sa kanilang produkto at sinamahan pa ng pagsabi na kung hindi lang malaki ang ibinayad sa kanya, hindi niya ie-endorse ang naturang produkto.

Dahil doon ay pinakansela agad ng kliyente ang kontrata at binawi ang down payment sa female celeb. Mabuti na lang at hindi pa sila nagsisimula sa promo campaign or else pagbabayarin pa nila ang kinuhang endorser sa pag-bad mouth nito sa produkto nila.

Ang hirap pa ay kumalat na sa ibang advertising agencies ang ginawa ng female celebrity kaya tuwing may product presentation ay tinatanggal na sa listahan ang kanyang name para pagpilian bilang endorser.

Sayang nga dahil ilang produkto na ang gusto sana siyang kunin, kaso nga lang dahil sa hindi magandang personality, inaalis siya at nabibigay tuloy sa iba ang pagkakataon.

Andi hinIwalayan lang sa text, ayaw nang makipagkumpetensiya pa sa parents ni Jake

Sa pamamagitan lang daw ng text message nakipag-break si Jake Ejercito kay Andi Eigenmann. Kasalukuyang nasa London, England na si Jake nang ipadala nito ang mensahe kay Andi.

Bago nga umalis si Jake ay hindi na nito sinasagot ang mga tawag at text ni Andi. Nais lang naman magpaliwanag ni Andi sa ginawang pagpapa-interview ng kanyang inang si Jaclyn Jose sa media tungkol sa sitwasyon nilang dalawa.

Naiyak ng ilang beses si Andi sa pag-explain sa video interview niya dahil siya ang lumabas na masama dahil sa pagpapa-interview ng kanyang ina. Ultimo ang ina nga ni Jake na si Laarni Enriquez ay hindi na sinasagot ang mga text message niya.

Pero noong tanungin naman si former Philippine President Joseph Estrada ay hindi naman siya nakikialam sa anumang relasyon meron ang anak niyang si Jake at si Andi. May sapat na pag-iisip na raw ang anak niya para magdesisyon sa gusto nito.

Inamin ni Andi na nagalit siya sa kanyang ina noong malaman ang interview pero napawi rin naman iyon at naintindihan niya kung saan nanggagaling ang sentimyento ng kanyang ina.

 “She’s a mother and all she wants is to protect me. Ayaw niyang nasasaktan ako. I understand now kung bakit niya ginawa iyon. Before hindi ko maintindihan kung bakit. But now, I understand my mom,” diin ni Andi.

Naintindihan din ng young actress ang ginawa ni Jake na pakikipagkalas sa kanya. Nagiging masunurin na anak lang ito sa mga magulang. Hindi niya kayang makipagkumpitensiya sa mga magulang ng lalaking mahal niya.

 

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

JACLYN JOSE

JAKE

JAKE EJERCITO

LAARNI ENRIQUEZ

LANG

NIYA

PHILIPPINE PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with