Flocerfida (395)
PUMASOK sina Kikoy sa bahay ni Kapitan Jaime. Maluwang ang salas.
“Maupo kayo,” sabi ni Jaime. “Titingnan lang ako sa kusina kung nakahanda na ang mesa. Alam kong gutom na gutom na kayo.”
Tinungo ni Jaime ang kusina.
Nagkatinginan naman sina Kikoy at Ericko.
“Ano kayang oras natin makikita ang mga kapatid ko, Tito Kikoy?” tanong ni Ericko.
“After lunch siguro.”
“Bakit kaya kinakabahan ako, Tito?”
“Natural lang ‘yan dahil makikita mo na rin sa wakas ang mga kapatid mo. Relaks ka lang.”
“Matagal din kasi kaming nagkahiwalay.”
“Natatandaan mo pa ang itsura nina Eunice at Efren?”
“Opo. Maganda si Eunice at guwapo si Efren.”
“Mga ilan ang age nila ngayon?”
“Seventeen po si Eunice at 16 naman si Efren.”
“Aba dalaga at binata na.”
“Opo.”
Sumabat si Dang sa usapan.
“Kamukha mo siguro ang mga kapatid mo, Ericko.”
Napangiti si Ericko.
“Tiyak maganda at guwapo ang mga kapatid niya—guwapo si Ericko eh,” sabi ni Malou.
Napangiti lang si Ericko.
Maya-maya, nakita nila ang paglapit ni Jaime. May kasama itong lalaki at babae.
Nakatingin si Ericko sa dalawang kasama ni Jaime. (Itutuloy)
- Latest



















