^

Punto Mo

Flocerfida (356)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ALAM mo ba kung saan sasakay ng bus patungong San Pablo, Malou?” tanong ni Dang.

“Oo, Dang. Nakarating na ako minsan dun. Nag-outing ang kompanya namin sa seven lakes noon. Alam ko kung saan sasakay patungong San Pablo.”

“Bumaba ka sa tapat ng simbahan at magpahatid sa traysikel sa Anabel Subdivision. Alam ng driver ang bahay ni Tito Kikoy.”

“Salamat Dang.”

“Agahan mo ang alis bukas para hindi ka matrapik.”

“Oo. Bibili na ako ng mga ipasasalubong ko kay Kikoy. Bibili ako ng gatas, tinapay, corned beef, hotdog at iba pa. Palagay ko sabik na si Kikoy sa mga pagkain na yun. Gusto ko, maging malakas siya.”

“Mahina nga ang katawan niya Malou?ulang sa sustansiya.”

“Ako ang magpapalakas sa kanya.”

“Ikaw na ang bahala sa kanya, Malou. Sana gumaling si Tito Kikoy sa karamdaman niya.”

“Oo, Dang. Salamat at tinulungan ninyo ako ni Ericko na mailapit muli kay Kikoy.”

“Nakita namin ni Ericko na totoo ang sinasabi mong pagmamahal kay Tito. Magmahalan sana kayo hanggang wakas.”

“Oo Dang pagmamahalan kami ni Kikoy hanggang sa huling hininga ng aming buhay.”

Yumakap si Malou kay Dang. (Itutuloy)

FLOCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with