Opening of classes, walang sabit! — PNP
MASAYA si PNP chief Gen. Nicolas Torre III sa deployment ng kanyang mga tauhan sa Oplan Brigada Eskuwela na nagresulta ng generally peaceful na opening of class noong Lunes. Inikot ni Torre ang mga eskuwelahan sa Metro Manila at satisfied naman s’ya sa ikinalat o na-deploy nilang tauhan na nagtao sa mga Police Assistance Desks (PADs) at nagsagawa ng mobile at foot patols. “I am very happy with the way our police are deploying themselves and I am very satisfied, “ ani Torre na humarap sa media sa Ramon Magsaysay High School sa Manila. “So far so good, wala namang inilapit na problema. Andyan ang ating mga pulis, kasama pa ang mga barangay at may coordination sa mga school heads at school administrators. “So we are very happy with that,” ang giit ni Torre. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ni Torre na ini-assess na nila ang mga susulpot na problema, malayo pa ang opening of classes, kaya’t na-preempt na ng PNP ang daloy ng traffic at pag-atake ng mga masasamang loob sa mga estudyante. “Hopefully, wala namang nangyaring masama,” aniya. Umani na naman ng pogi points si Torre, no mga kosa? Kaya naman naging peaceful and orderly ang opening of classes dahil todo trabaho ang mga police commanders sa Metro Manila matapos sibakin ni Torre ang walong pakaang-kaang sa kanila. Nagbanta si Torre na hindi s’ya mangingiming sibakin pa ang iba na ayaw mag-cooperate sa mga reforms program n’ya, tulad ng 5-minute response sa kriminalidad. Siyempre, ayaw ng mga nakaupong police commanders na sumunod sila sa yapak ng walong kasamahan. Sanamagan! Anong sey n’yo mga kosa?
Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Masaya din si Torre na maging ang mga guro ay ino-orient na ang kani-kanilang estudyante kung paano gumamit ng 911. Dito kasi sa 911, hinihikayat ni Torre, hindi lang ang mga estudyante, kundi maging ang lahat ng Pinoy, na tumawag kapag nabiktima sila ng krimen at iba pang kaguluhan at titiyakin n’yang may magrerespondeng pulis sa loob ng limang minuto. Mismooooo! Kung sabagay, may inilabas na memorandum si PNP chief na isulong ang pagpakalat ng naturang abiso tungkol sa paggamit ng 911, hindi lang sa eskuwelahan, kundi maging sa mga lansangan o kalye. “May ibang mga areas tayo at mga police units na actually nagpi-print na ng tarpaulin at ina-advertise ang 911,” aniya! Eh di wow!
Hindi lang naman nakasentro sa Metro Manila ang pagpairal ni Torre ng 5-minute response kundi maging sa probinsiya. Ayon kay Torre, may dalawang probinsiya na binakante ang police commanders dahil na-caution na ang mga ito sa 5-minute response. “So may mga mag-aapply ngayon na gustong mag-PD dahil na caution na sa ating compliance ng 5 minute response. So kapag may mag-apply maka -choose tayo. Ire-relieve natin ang nakaupo at papalitan natin ng bago,” ang giit ni Torre. Tikom ang bibig ni Torre na pangalanan ang probinsiya dahil ayaw n’yang ipahiya ang PD doon. “Actually hindi na namin gusto sabihin dahil hindi naman natin gusto ipahiya ang tao natin,” aniya. “Nagkulang sila. They will have a chance also to cope up and then maybe wait for another opportunity to be given a commander’s position.’ Dipugaaaaa!
Iniatang na ni Torre sa mga regional directors ang pagpatupad ng 5-minute response sa buong Pinas. “We want our commanders to know how to command literally, hindi lang figuratively. Hindi lang sa papel kundi maging sa kalsada.” Abangan!
- Latest