Bigas (LAST PART)
NAGING magkasintahan kami ni Katrina. Mahal na mahal namin ang isa’t isa.
Pero mayroon akong kinatakutan sa pagkakaroon namin ng relasyon ni Kat—si Mam Chato. Baka pagnalaman niya na magkasintahan kami ng kanyang anak ay magalit sa akin at palayasin ako. Ayaw kong mangyari iyon dahil mahal na mahal ko si Kat at ayaw kong mapahiwalay sa kanya.
Ipinagtapat ko kay Kat ang kinatatakutan kong problema.
“Kat, paano kung palayasin ako ng mommy mo kapag nalamang magsiyota tayo?”
“Sasama ako sa’yo!”
“Hindi ka nagbibiro, Kat?”
“Hindi.”
“Kasi problemado ako. Baka pagnalaman ni Mam Chato na may relasyon tayo ay palayasin at akusahang traidor dahil pinaibig kita.”
“Mas mabuti pa magtapat ka kay Mommy. Darating siya ngayon.”
Sumang-ayon ako.
Pagdating ni Mam Chato, hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Sinabi kong may relasyon kami ni Kat.
“Alam ko na Noel,” sabi ni Mam Chato.
Nagulat ako.
“Hindi ka po nagagalit?”
“Ba’t ako magagalit e alam ko namang mabuti kang tao at higit sa lahat, masinop sa bigas. Ikaw ang hinahanap ko.”
Masayang-masaya ako. Ikinasal kami ni Kat. Ipinamana na ni Mam Chato sa amin ni Kat ang mga ari-arian kasama ang malawak na palayan.
- Latest