^

Punto Mo

Solusyon sa hangover mula sa iba’t ibang bansa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Russia: Gumagawa sila ng Nikolashka. Paano gawin: Tanggalin ang balat ng  one-fourth slice ng lemon. Budburan sa  ibabaw ng asukal at pulbos ng instant coffee. Isubo kagatin at lunukin ang Nikolashka. Sundan ng hot sauna upang lumabas ang toxin sa pamamagitan ng pagpapapawis.

United Kingdom: Pagkaraang maglasing noong gabi, mag-almusal kinabukasan ng traditional full English breakfast: pritong bacon, sausages, eggs, black pudding (blood sausage), toasted bread at baked beans.

Ang fats sa pagkain ang sumisipsip ng alcohol sa katawan. 

Peru: Uminom ng leche de tigre or tiger’s milk. Cocktail drink ito na pinaghalong 1 cup na lime juice, fresh fish fillet, coriander, garlic, red onion, chilli, salt, rocotto pepper. Katulad ito ng ating kilawing isda. Tinawag na tiger’s milk dahil kapag pinagsama-sama ang ingredients, para daw itong kulay ng tigre. Nagsisilbi rin itong aphrodisiac.

Poland: Kinabukasan ng umaga, iinumin lang nila ang  juice ng bottled pickles na gawa sa suka, asin at tubig. Nakaka-rehydrate ito at nakakalakas.

Italy: Ang hangover ay nasosolusyunan lang ng isang tasang napakatapang na kape. Pinapaluwang daw nito ang ugat kaya makakadaloy nang maayos ang dugo. Ang resulta ay paghinto ng sakit ng ulo.

Ecuador: Nagpapakulo sila ng fresh oregano leaves at ginagawang tsaa. (Itutuloy)

HANGOVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with