^

Punto Mo

Sumisingasing ang mga binalagoong ni Digong

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KINAKABAHAN ngayon ang mga naipuwesto ni dating President Digong sa masasabaw na posisyon sa tanggapan ng gobyerno lalo sa Bureau of Customs. Lumalala ang hidwaan sa pagitan ng Marcos at Duterte family dahil sa impluwensiya ng pamilya.

Naging malaking isyu kasi ang ngiti ni VP Sara at ngisi ni Ate Imee sa ginawang pagmumura at pananalbahe nina Digong at Pulong Duterte kay BBM sa barubalan rally ngTropang Maisug sa Davao.

May balasahan daw na magaganap sa BOC kaya kumakabog na ang dibdib ng mga kabalahibo ng Tropang Maisug na patuloy na humihigop pa rin ng biyaya sa Marcos administration. Timbog kay Finance Sec. Ralph Recto yan!

Nabuhay ang dugo ng mga opisyales na nabalagoong sa BOC dahil unti-unti na daw nagliliwanag ang Aduana dahil panis na ang manipulasyon ng Davao connection ngayon. Owwws!, Talaga?

Pansamantalang nailado ang galawan ng mga antigong smugglers noon sa BOC dahil sa “tara expose” ni Sen. Ping Lacson noong 2019. Lumiit man daw ang tara na ibinibigay ng mga smugglers sa ngayon, meron pa rin. Ooops! Ingats. Bistado na pala kayo.

Hintayin natin ang obra ni BOC Comm. Bien Rubio at mga tauhan nito. Baka nga may pagbabago nang magaganap. Sana naman.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with