^

Punto Mo

Cyber-patrolling vs cybercrime, palalakasin ni Marbil!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PALALAKASIN ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang cyber-patrolling ng Anti-Cybercrime Group (ACG) para protektahan ang kaligtasan at well-being ng mga kabataan laban sa child porn. Malaking bahagi na kasi ng kabataan sa ngayon ay armado ng gadgets at may mga mahilig o napipindot na ang mga porn hubs. Mismooooo!

Kaya’t angkop lang ang AngelNet Summit 2024 na inilunsad ni ACG director Maj. Gen. Sidney Hernia kung saan ang PNP ay makipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga kompanya o stakeholders para protektahan at maiwasan ng mga kabataan ang child porn. Ang layunin ng summit, ani Marbil ay upang magsagawa ng ligtas na online environment sa pamamagitan ng partnership at innovative technology-driven approaches para protektahan ang mga kabataan sa hindi magandang gawain. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa theme na “AlengPulis Cybersquad and the Angel Network,  Magkasama sa Online Kalig­tasan,” ipinakita ang importansiya ng collective efforts para protektahan ang online spaces, lalo na sa mga kabataan, laban sa internet dangers.

Ayon kay PNP spokesperson at information chief Col. Jean Fajardo, ang summit ay isang paraan para sa PNP ACG na palakasin ang pakikipagtulungan sa network of government agencies, local at international non-governmental organizations, foreign law enforcement agencies at internet intermediaries, na tinawag na “AngelNetwork” para tutukan ang mga kaso  na gender-based online sexual harassment (GBOSH) at online sexual abuse and exploitation of Children (OSAEC). Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang ACG, ani Fajardo, ay ang sangay ng PNP na tumatanggap ng mga reports sa GBOCH at arestuhin ang mga lumalabag sa batas na “Bawal Bastos Law, at sa pag-imbestiga ng  OSAEC-CSAEM sa ilalim ng nasabing batas, kaya’t kailangan nito ang maraming tulong, lalo na ang suporta ng biktima, pag-take down ng sexual abuse materials online at iba pa.

Kaya ang Signing of Digital Commitment to Online Safety ay isang hakbangin para sa pagtulungan ng mga stakeholders upang panatilihing ligtas ang online space sa mga kabataan, ang dagdag pa ni Fajardo. Dipugaaaaa! “Through a digital commitment signing activity during the summit, the Angel Network promised to collaborate with ACG in the work to prevent and address GBOSH and OSAEC. The ACG will capitalize on this commitment to beef up its efforts to keep the online space safe for women and children,” ani Fajardo. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kasabay ng summit, ini-launched din ang “AlengPulis Cybersquad”, nay may pitong social media avatars kung saan ang ACG ay may kapasidad na mag-patrol sa social media kung saan tatanggap ito at aakto sa mga reklamo ukol sa GBOSHm OSAEC at CSAEM. “Co-created with children, the ACG hopes that the Avatars can help children and women to engage with the ACG’s advocacy and awareness-raising materials and tools,” ang dagdag pa niya. Sal-it!

Binigyang-diin naman ni Hernia ang importansiya ang awareness at prevention sa pakikipaglaban sa cybercrime. “Awareness raising and prevention have always been deemed the best solutions to thwart the growing incidence of cybercrimes. Yet, despite several campaigns anchored on awareness and prevention, cybercrime has remained trending upward,” ani Hernia. Ang sakit sa bangs nito. Abangan!

vuukle comment

ANTI-CYBERCRIME GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with