^

Punto Mo

Aral mula kina Tiya

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY dalawa akong tiyahin na hindi sinasadyang nakapagbigay sa akin ng leksiyon sa buhay na nakatanim sa aking puso hanggang ngayon.

May tiyahin akong magaling na guro sa pampublikong paaralan ng elementarya. Siya ay guro sa section one ng Grade 4. May pitong sections sa bawat grade pero sa section one kumukuha ng first honor at second honor, patunay na matatalino ang mga nasa section one.

Noong panahong iyon, hindi requirement na mag-kinder ang isang bata. Ang kailangan lang para tanggapin sa grade one ay pitong taon na ang bata bago magpasukan. November pa ako magpipitong taon noong 1967. Ang pasukan noong nabanggit na taon ay July, kaya dinoktor ang aking birth month. Ginawang January ang aking birth month para maging qualified sa grade one. Nagpupumilit kasi ako na pumasok sa school.

Noong ako ay papasok na sa grade one, pangarap kong maging guro ay  ninang sa kasal ng aking mga magulang. Kilala niya ako at mabait siya. Lola ang tawag ko sa kanya. Pero section 5 ito sa Grade 1. Kapag Grade 1, malayang makakapili ang mga magulang kung kaninong guro ipapa-enrol ang kanilang anak.

Pagsapit lang ng Grade 2, saka iaaplay ang paggugrupo o pagse-section depende sa general weighted average ng estudyante. Kinausap ako nang masinsinan ng aking tiyahin. Ipinabahala sa kanya ng aking nanay ang pagpapaenrol sa akin.

“Mas mainam na sa umpisa pa lang ng iyong pag-aaral, nasa section one ka na. Kapag nasanay kang nasa section one, lagi kang magsisikap na hindi matanggal sa section na kinasanayan mo.”

Siyempre anong laban ng anim na taong gulang na bata sa kanyang tiyahing guro. Buti na lang at masunurin ako. Naging effective ang sabi ni Tiya. Nasa section one ako mula Grade 1 hanggang Grade 6.

Ang isa pang leksiyon sa buhay ay natutuhan ko sa aking tiyahin na hairdresser. Pulos lalaki ang anak niya kaya ang pinagbabalingan niya ng kanyang talent ay kaming mga pamangking babae. Gusto kong magpahaba ng buhok pero gusto ni Tiya ay gupitan ako nang maikli. Hindi pa nakakarating ang shampoo sa aming probinsiya noon kaya karamihan sa mga buhok ay buhaghag.

“Hindi magandang pahabain ang buhok mo, pangit ang texture. Para ‘yang bunot na isinaklob sa ulo mo kapag pinahaba mo.”

Pero sasagutin ko ito nang paiyak. “Basta gusto ko’y mahaba. Iniiklian mo ang gupit sa aking buhok, nagmumukha tuloy akong lalaki”.

Pero sinagot ako ng aking tiya nang buong katapatan sa malumanay na boses.

“Mas bagay sa iyo ang maikling buhok. Nakikita ang pagiging tsinita mo at maliit na mukha. Alam mo, sa kagaya nating hindi biniyayaan ng pang-muse o pang-Santacruzan na beauty, dapat ay daanin natin sa ganda ng haircut para maging attractive sa paningin ng ibang tao.”

Tumatak iyon sa isipan ko. Isa sa pinaglalaanan ko ng budget ay ang aking buhok simula noon hanggang ngayon.

“Better be slapped with the truth, than kissed with a lie”—Russian proverb

LECTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with