^

Punto Mo

Bulok na imahe ng NAIA kalat na sa buong mundo

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGING alamat na ang isyu ng “tanim bala” noon na bumiktima sa papaalis na pasahero para kikilan at ngayon naman ay pagnanakaw naman ang bisyo ng mga Security Screening Officers (SSO) ng Office for Transportation Security (OTS), Nakupo!

Ninakawan ng relos ni SSO Valeriano Ricaplaza ang isang turistang Chinese. Kitang-kita sa footages ng CCTV ang buhong na si Ricaplaza kaya nasakote ito. Hindi naman pinangalanan ang dalawang SSO na sangkot sa pagnanakaw ng pera ng isang turistang Thailander. Buwiseeet!

Hindi nakaligtas ang asawa ng Foreign Minister ng Turkey na ninakawan ng mga mamahaling alahas sa kanilang luggages ng apat airport personnel. Nahuli ang mga magnanakaw na sina Ricardo Alfaro, Yves Ronald Baguion, Wilson Mataganas at John Andrews Racoma. Walang balita kung nakakulong na ang mga magnanakaw. Tsk-tsk-tsk!

May sindikato rin ang mga barker/dispatchers at taxi drivers na naniningil ng napakamahal. Magkaminsan hinoholdap pa ng mga ito ang kanilang pasahero. Nahuli noon sina NAIA Police Pablo Atayde at Danilo Levite Jr. na nangingikil sa taxi drivers. Baka naman bumabalato lang ang mga loko sa mga demonyo.

Hindi pa rin nakakalimutan ng mamamayan ang “pastillas scam” ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI). Nakabilot na parang “pastillas” ang perang suhol ng mga turistang Chinese kuno pero ang sadya ay magtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Natuklasan na sangkot ang mga Chinese na ito sa kidnapping, murder at prostitution ng kababayan din nilang Chinese.

Kawawa naman ang tourism industry natin.

Saklolooo!

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with