^

Punto Mo

Body worn cameras, gamit ng Central Luzon PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGSUSUOT na ng body-worn cameras ang mga pulis sa kanilang operation kaya maitataguyod na ang programa ni President Bongbong Marcos na “walang patayan” sa kampanya laban sa droga at kriminalidad. Maging ang korte ay umaayon na rin dahil sa lahat ng arrest warrant na kanilang iniisyu ay may kalakip na habilin na dapat ang mga pulis ay armado ng body-worn cameras o alternatibong device.

Kaya sa pagkaka-aresto kay rape suspect Crisanto Mallare, 27, walang reklamo ang mga kaanak nito dahil above-board ito, ayon kay Central Luzon police director Brig. Gen. Jose “Daboy” Hidalgo. Nirebisa ni Hidalgo ang kuha ng camera at natuwa naman siya na matiwasay ang pagkaaresto kay Mallare, lalo na nang binasahan ito ng Miranda Rights ng kanyang arresting officer. Eh di wow!

Matatandaan na unang sumigaw ng walang patayan sa kampanya laban sa droga at kriminalidad ay ginawa ni DILG Sec. Benhur Abalos. Ginawa ito ni Abalos matapos ang “Bloody Sunday” sa Calabarzon noong panahon ni Tatay Digong na nagresulta sa pagkakaso sa ilang pulis na sangkot dito matapos magsisigaw ang mga kaanak na biktima ang mga namatay ng “summary execution.” Dipugaaaaa! Hehehe!

Ayaw talaga sundan ni BBM ang matinding karanasan ni Tatay Digong na iniimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) dahil sa tinatawag na “EJK,” ‘no mga kosa? Mismooooo!

Ayon kay Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng Regional Mobile Force Battallion (RMFB) ng Central Luzon police, si Mallare ay inakusahan ng four counts of rape sa sala ni Judge Maribel Mariano-Beltran ng Zambales RTC Branch 13. Sinabi ni Dimaandal na palaging nilalasing ni Mallare ang kaibigan niyang tatay ng biktima sa isang inuman. Matapos nito ay pinagsasamantalaban niya ang anak ng kaibigan na menor-de-edad, ayon kay Dimaandal. Nagsampa ang pamilya ng biktima ng reklamo sa pulisya, sabay tago naman ni Mallare sa loob ng limang taon, ang dagdag pa ni Dimaandal.

Matapos ang ilang hearing, naglabas ng arrest warrant si Judge Mariano-Beltran laban kay Mallare, na naging No. 2 most wanted person ng Zambales. No bail pa ang inirekomenda ng hukom laban kay Mallare. Dipugaaaaa! Hehehe! Swak sa banga si Mallare, ‘no mga kosa? Tumpak!

Sa kanyang kautusan, iginiit ni Judge Mariano-Beltran na dapat ang mga tauhan ni Hidalgo na huhuli kay Mallare ay nakasuot ng body-worn camera o isang alternatibong recording device alinsunod sa kautusan ng Supreme Court noong Agosto 2021.

Bumuo si Hidalgo ng police team na pinamumunuan ni Capt. Glenn Santelices, assistant chief nf SOU3, ng RMFB3, Botolan police, at San Fernando police at inaresto si Mallare sa Bgy. Malpitic City sa San Fernando, Pampanga kung saan siya nagtago. Ni-review ni Hidalgo ang body-worn camera at nakita niya na maayos na inaresto si Mallare at hindi ito “nanlaban.” Dipugaaaaa!

Kapag nagsuot ng body-worn cameras ang mga pulis sa kanilang operations sa ibang bahagi ng Pinas, abayyyyy mawawalan ng trabaho ang mga taga-Commission on Human Rights, di ba mga kosa? Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with