^

Punto Mo

Social media influencer, nagulat nang malaman na iwinangis ang sex doll sa kanyang hitsura!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG model sa Israel ang nagulat nang malaman na may isang kompanya sa China na gumagawa ng sex doll na kamukhang-kamukha niya!

Hindi makapaniwala ang 26-anyos na si Yael Cohen Aris nang sabihan siya ng kanyang mga Instagram followers na may isang Chinese adult toy company na kinopya ang kanyang mukha para gawing sex doll.

Ayon kay Aris, kinopya ng kompanyang Doll Studio ang kanyang mukha gamit ang mga litrato niya sa Instagram. Sa sobrang kopya sa kanyang hitsura, pati ang kanyang maliit na nunal sa ilalim ng labi ay makikita rin sa binebentang sex doll.

Kahit wala siyang binibigay na pahintulot sa Doll Studio, ang kanyang buong pangalan at mga litrato ay ginagamit ng kompanya sa kanilang website bilang promotional material.

Sa ngayon, kumukonsulta siya sa kanyang abogado kung paano maidedemanda ang kompanyang Doll Studio at kung paano ipakukumpiska ang mga sex doll upang hindi na ibenta ito sa kanilang customers.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with