^

Punto Mo

Ayon sa psychologists…

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kapag ikaw ay nasa hotel or restaurant, mas marami kang inilalagay na gatas, asukal or creamer kaysa kapag nasa iyong bahay…may tsansa kang maging corrupt kung may pagkakataon at kapangyarihan.

• Kapag nasa public toilet o restaurant, wala kang kahina-hinayang kung gumamit ng tissue at sabon kaysa kapag nasa sarili mong pamamahay…mabilis kang matuksong maglustay ng hindi mo pera.

• Mas matakaw ka sa wedding/birthday party o  buffet restaurant kung saan iba ang nagbayad…kung mabibigyan ka ng kapagyarihan, kakainin mo rin ang pera ng bayan.

• Kung magaling kang lumusot sa mahabang pila at nagagawa mong mauna nang hindi pumipila…kakayanin mong mantapak ng ibang tao, upang matupad lang ang pangarap.

• Kung ikaw ay “man in uniform” at hindi nakokonsensiyang mangotong…then, senyales iyon na ikaw ay isang magnanakaw.

• Kung apelyido ng isang tao ang una mong inaalam kaysa kanyang first name…ikaw ay manggagamit at namimili ng taong pakikisamahan base sa kasikatan at yaman ng kanilang angkan.

• Kung kaskasero ka at hindi marunong gumalang sa traffic rules…kaya mong manakit o pumatay makarating ka lang sa iyong paroroonan.

vuukle comment

PSYCHOLOGISTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with