^

Punto Mo

Edad 100: Kapalaran o Napaghahandaan?

PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Puwede bang pangarapin at hangarin ng isang tao ang umabot sa 100 taong gulang? Maaaring possible dahil may mga taong nakaaabot sa ganitong edad. Pero maaari bang pagplanuhan ang pagiging sentenaryo? Mayroon bang paraan upang matiyak na aabot tayo sa gayong katagal na buhay?

Walang nagsasabing pinagplanuhan ng mga kasalukuyang centenarian ang kanilang mahabang buhay. Hanggang ngayon, pinag-aaralan pa rin ng mga siyentista ang mga dahilan kung bakit may mga taong nabubuhay nang mahigit sa isang siglo. Kabilang sa mga tinitingnan ang namamanang katangian, uri ng pamumuhay, kapaligiran at kalagayan ng kalusugan.

Ayon sa mga pag-aaral, hindi lamang genes ang may kinalaman sa haba ng buhay. Malaki rin ang papel ng mga nakagawian at ng kapaligirang ginagalawan ng isang tao. Nakatutulong ang wastong pagkain, regular na pisikal na aktibidad, pag-iwas sa sigarilyo at labis na pag-inom ng alak, at pagkakaroon ng sapat na pangangalagang medikal. Gayunman, walang makapagsasabing ang pagsunod sa mga ito ay garantiya ng pag-abot sa 100 taong gulang.

Isa rin sa mga dahilan ng pagdami ng matatandang umaabot sa 80 o 90-anyos ang pagsulong ng agham at medisina. Mas maagang natutukoy at nagagamot ang maraming sakit. Mas malawak na rin ang kaalaman tungkol sa nutrisyon, kalinisan at pag-iwas sa mga karamdaman. Kaya hindi na kataka-takang may mga taong umaabot sa edad na dati’y tila pambihira.

Nakaaakit isipin na sana ay umabot din tayo sa 100 taong gulang. May mga taong iniaasa na lamang ito sa tadhana o ipinauubaya sa kamay ng Diyos. Ang iba ay tinatanggap na lamang nang maluwag kung hanggang kailan sila tatagal dito sa mundo.

Pero meron ding mga naghahangad na mapahaba ang kanilang buhay. Ang mga nagkakasakit nga ay sinisikap na malagpasan ang dinaraanan nilang pagsubok hangga’t maaari. Ang iba ay patuloy na nagmamantini ng malusog na pamumuhay sa maraming kadahilanan na ang isa ay maaaring para patuloy nilang makasama ang mga mahal nila sa buhay.

Ngunit hindi ba’t mas makabubuting gumawa rin ng mga hakbang upang mapangalagaan ang ating kalusugan habang bata pa at malakas upang ?

May mga centenarian na nagkukuwento na nakatutulong sa kanila ang madalas na pagkain ng gulay at prutas, pag-eehersisyo, pag-iwas sa bisyo, pakikisalamuha sa ibang tao at panana­tiling abala sa araw-araw. May ilan ding patuloy na nagtatrabaho hangga’t kaya pa ng katawan.

Iaasa na lamang ba ng isang tao sa kapalaran o dasal kung aabot siya sa 100? Puwede ba niya itong pagplanuhan at paghandaan? Maaaring hindi natin kontrolado ang haba ng ating buhay pero nasa ating mga kamay ang pangangalaga sa ating kalusugan. Walang tiyak na pormula upang maging centenarian pero hindi masamang pangarapin at paghandaan o pagplanuhan ito.

•••

Email-[email protected]

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with