^

Punto Mo

Ginger (93)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘SASABIHIN mo pa po ba kay Ginger ang balak? Kasi po baka hindi siya naniniwala. Mabuti po sana kung katulad siya ng mama niya na naniniwala sa kulam. Paano kung hindi?,’’ tanong ni Marie na nag-aalala.

“Itatanong ko muna sa mama niya. Kasi hindi naman ako puwedeng dumeretso agad kay Ginger dahil ayaw na niyang makikita siya—maski ako, kung maaari, ayaw niyang makita ko siya.’’

‘‘Tama po ang pasya mo na sa mama muna niya sabihin ang mga balak. Siya nga po pala, bukas magme-message muli ako sa classmate ko sa Canada para malaman ang eksaktong tirahan ng matandang albularyo. Kapag nakuha ko, ipagbigay alam ko sa’yo Sir.’’

‘‘Salamat, Marie.’’

KINABUKASAN, nagtungo si Anton kina Ginger at kinausap ang mama ni Ginger. At hindi makapaniwala si Anton sa sinabi ng mama ni Ginger. Naniniwala pala si Ginger sa kulam.

‘‘Gusto niyang gumaling, Anton. Lahat daw ay susubukan. Ang hiling niya, huwag mo na lang daw muna siyang kausapin. Kapag nakuha na ang igagamot sa kanya saka mo raw siya kausapin.’’

‘‘Opo. Masusunod po.’’

Nang araw ding iyon, nakuha ni Anton kay Marie ang tirahan ng matandang albularyo sa Mindoro.

Kinagabihan, nag-empake ng siya ng mga damit para sa pagtungo sa Mindoro.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with