^

Punto Mo

‘Sakla-patay’ ni Jun Guinto, nagbukas na sa Imus!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: Magsisilbing hamon sa liderato ni Brig. Gen. Tony Yarra, director ng PRO4-A, ang “sakla-patay” na binuksan ni Jun Guinto sa Imus, Cavite. Ginawa nina Guinto at partner na si Sgt. Junel Francisco na dry-run ang Imus dahil balak din nilang buksan ang Noveleta, Cavite City, Kawit, Silang, Rosario at Bacoor. Kapag hindi kumilos si Gen. Yarra laban kay Guinto, baka abutin siya ng malas sa rigodon sa PNP kapag naupo ang bagong hepe nito sa July 1. Araguuyyyyy!

Si alyas Rodel na grupo rin ni Guinto ay nagbukas naman sa Las Piñas City. Nakuha nina Jake Duleng at Capt. Jhon Miranda ang management sa lagom na P150,000. May puwesto piho naman sa Zapote na ang bangka ay si alyas Joseph. Tsk tsk tsk! Balik-normal na ba ang Pinas at mukhang wala nang COVID ah? Dipugaaaaa!

• • • • • •

Umabot sa 11,033 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ang kumuha ng Special Qualifying Eligibility Examination (NSQEE) ng National Police Commission (Napolcom) na ginanap sa Cotabato City noong Mayo 29. Ito ang kauna-unahang examination para makasali sa PNP ang Moro rebels sa ilalim ng Republic Act No. 11504, na kilala ring “Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao”.

Ang mga nangasiwa sa exams sa 14 na eskuwelahan ay sina Napolcom Commissioners Edilberto Leonardo, Ricardo Bernabe lll, at Beatrice Aurora Vega-Cancio at si Deputy Executive Director lV Myrna de Persia Medina. Ang layunin nitong NSQEE mga kosa ay para i-facilitate ang pagpasok ng mga MILF at MNLF sa PNP, ayon sa nabanggit na batas. Mismooooo! Hak hak hak!

Gaganda ang buhay ng ating mga kapatid na Moro rebels kapag napasok na sila sa PNP dahil sa sobrang laki ng suweldo, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

May kabuuang 1,616 sa mga kuwalipikado na kumuha ng exams ay taga-Lamitan City, Basilan samantalang 9,417 naman ay galing sa Cotabato City, BARMM. Ang resulta ay ianunsiyo ng Napolcom sa loob ng 45 hanggang 60 na araw. Subalit ipinaliwanag ng Napolcom na kahit pumasa sa NSQEE ang Moro rebels, hindi nangangahulugan na matic na silang pasok sa PNP.

Ang NSQE ay magbibigay lang sa kanila ng appropriate eligibility para sa ranggong patrolman/patrolwoman sa temporary appointment. Magiging permanente lang ang appointment nila kapag nabuo nila ang educational requirement ng Baccalaureate degree na makuha nila sa loob ng 15 years mula sa pagpasok nila sa PNP, ayon sa Section 14 ng RA 8551.

Maging ang Napolcom Resolution No. 2022-0081 ay nagsasabi ring itong Moro rebels na holder nitong NSQE ay hindi rin matic na may appropriate elibility kaagad sa PNP. Mismooooo! Hmmmm! Kailangan lang ng magandang paliwanag itong mga alituntunin ng Napolcom sa NSQE sa mga kapatid nating Moro rebels para hindi sila maligwak, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with