^

Punto Mo

Condo owners sa Cavite, humirit ng tulong kay Sen. Go!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

BIGYAN pansin natin ang problema ng mga condo dwellers sa Urban Deca Homes Mahogany sa Imus, Cavite at sana makarating ito sa mga concerned na ahensiya ng gobyerno o kay President Digong mismo. Imbes kasi na asikasuhin ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang problema na ito ng mga condo dwel-lers, aba inuna pa n’ya ang makialam sa problema ni Manila Mayor Francisco Domagoso.

Maaaring umani ng pogi points si Remulla sa pagsagot niya sa pasaring ni President Digong sa dating katayuan ni Domagoso subalit hindi ito makatutulong sa kanya sa 2022 elections dahil hindi siya iboboto ng mga Manilenyo.

Ang mga condo dwellers kasi ay mga botante ni Remulla at lagot siya kapag inisnab sa darating na elections kapag pinabayaan o hindi gumalaw para tulungan ang mga ito sa kanilang problema. Habang nanalasa pa ang COVID 19, lalo na’t mabilis kumalat itong Delta variant, malaking bagay kapag matulungan ni Remulla ang mga condo dwellers sa kanilang mga hinaing, di ba mga kosa? Dipugaaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang mga problema ng condo owners ay hindi naman mabigat at dapat bigyan pansin ni Remulla dahil marami sa kanila ay nawalan ng trabaho dulot ng pandemya. Kaya alam naman ni Remulla ‘yan na kapag no work no pay, aba mahihirapan ang mga condo owners na kumalap ng pera para pambayad sa kung anu-anong bayarin na ibinabato ng condo management sa kanila.

Di ba may kautusan si President Digong na dapat medyo luwagan ang pagsingil sa mga upa sa panahon ng pandemya? Anyare? Exempted ba ang 8990 Housing Development Corp. sa kautusan na ito ni President Digong? Dipugaaaaaa!

Sinabi ng condo owners na kapag na delay sila ng bayad sa kanilang monthly amortization, matic na pinagmulta sila ng 40 percent; pinuputulan sila agad ng tubig na walang abiso; tumatanggap sila ng cancellation of letter of unit at pinipilit na magbayad sa loob ng 30 days, at walang free parking. Hehehe!

Marami pang reklamo ang mga condo owners na sa tingin ng mga kosa ko ay mareresolba lang kung magkaroon ng magandang dialogue ang magkabilang panig. Kaya ang dapat gawin ni Remulla rito ay kausapin niya ang condo owners at management para mapayapang maresolba ang problema. Dipugaaaaaa!

Kung sabagay, sumulat na ang condo owners kay Sen. Bong Go para tulungan sila sa problema nila sa management ng 8990 Housing Development Corp. Iginigiit nila na committed silang magbayad ng obligasyon nila subalit kailangan din ng management na aksiyunan ang mga hinaing nila. “The company must protect us condo unit owners as we do our part also,” anila. Hihintayin pa kaya ni Remulla na lumaki ang gulo na ito bago siya kumilos? Dipugaaaaa!

Kaya naman kay Sen. Go lumapit itong mga condo owners dahil alam nilang kusang tumutulong ito sa mga inaapi o mahihirap. Ano kaya ang masasabi ng condo management sa mga reklamong ibinabato laban sa kanila? Abangan!

vuukle comment

JONVIC REMULLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with