^

Punto Mo

2-anyos na bata sa South Africa, nakaligtas matapos ihagis ng ina mula 16th floor nang nasusunog na gusali

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 2-anyos na bata ang nakaligtas matapos ihagis ng kanyang ina upang mailabas mula sa nasusunog na high-rise building sa Durban, South Africa.

Ayon sa 26-anyos na ina ng bata na si Naledi Manyoni, nasa ika-16 na palapag siya ng gusali nang magsimula ang sunog noong nakaraang Martes. Agad-agad naman siyang tumakbo sa hagdan pababa ng buil-ding kasama ang anak.

Subalit puno ng usok ang hagdan at imposibleng makita ang dadaanan. Nagawang marating ni Manyoni ang gilid ng building.

Nakita niya sa ibaba ang maraming taong nag-aabang. Nakita rin siya ng mga tao. Nagtipun-tipon ang mga tao na para bang alam ang gagawing hakbang ni Manyoni ng mga sandaling iyon.

Mabilis na nagpasya si Manyoni at inihagis ang anak papunta sa grupo ng mga tao.

Ligtas na nasalo ang bata. Marami ang kinilabutan at hindi makapaniwala.

Ayon kay Maryoni, wala na raw siyang ibang nagawa kundi magtiwala sa mga mabubuting loob na nagsama-samang nag-abang upang saluhin ang kanyang anak.

Nasunog ang building na tinitirhan ni Manyoni sa gitna ng mga riot at malawakang protesta na nagaganap ngayon sa South Africa matapos ares­tuhin at ikulong ang isang dating presidente roon.

SOUTH AFRICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with