6-anyos sa India, pinakabatang programmer sa mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 16, 2020 - 12:00am

ISANG anim na taong gulang na lalaki ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record matapos siyang kilalanin bilang pinakabatang computer programmer sa buong mundo.

Nakuha ni Arham Om Talsania ng Ahmedabad, India ang pagkilala nang maipasa niya ang certification exam na ibinibigay ng kompanyang Microsoft para sa Python programming language.

Ayon kay Talsania, nagsimula siyang gumamit ng tablets noong siya ay dalawang taong gulang pa lamang at nang siya ay tatlong gulang na ay nagsimula na siyang gumamit ng mga gadgets na may iOS at Windows.

Maaga rin niyang nalaman na Python din ang gamit ng kanyang amang programmer sa trabaho nito kaya nagkaroon siya ng interes na matutunan ang programming language.

Matapos makamit ang certificate niya bilang programmer ay gumawa si Talsania ng computer games. Noon  na raw siya napansin ng Guinness na humingi ng sample ng kanyang mga nagawa nang computer programs.

Makalipas daw ng ilang buwan, kinilala na rin siya bilang pinakabatang programmer sa mundo sa pamamagitan ng isang Guinness World Record certificate.

 

INDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with