Hindi ako susuko (15)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 22, 2020 - 12:00am

KITANG-KITA sa ekpresyon ng lalaki ang kasiyahan sa magandang portrait ng asawa na ginawa ni Reagan.

Walang kakurap-kurap na tinitigan ang portrait na ka-sing-size ng typewriting paper.

Sinipat-sinipat na paulit-ulit ang portrait.

‘‘Ang galing mo bata!’’ sabi nito kay Reagan pagkatapos sipatin ang portrait.

At saka may dinukot sa bulsa. Pera. Isang libong piso! Iniabot kay Reagan.

‘‘Eto ang bayad ko, bata. Kung kulang pa ito sabihin mo.’’

Shock si Reagan at hindi agad inabot ang pera.

“Sobra po yan Sir!’’

Pero dinuldol ng lalaki.

“Tanggapin mo na.’’

“E ang laki po niyan Sir.’’

“Di ba sabi ko sa’yo babayaran kita kahit magkano? Tanggapi mo na. Sige na.’’

Kinuha ni Reagan.

“Salamat po Sir…’’

‘‘Ako si Abraham – Abe for short. Ikaw, bata?’’

‘‘Ako po si Reagan.’’

‘‘Aba pangalan ng US Presidents ang name natin, ha-ha-ha. Abraham Lincoln at Ronald Reagan, ha-ha-ha!’’

“Oo nga po. Lahat po kaming magkakapatid, puro US Pres ang name.’’

“Talaga?’’

“Opo Sir Abe. Ang Tatay ko po ay mga idolo ang Kano.’’

Nagtawa si Sir Abe.

Maya-maya may sinabing mahalaga si Sir Abe.

“Mayroon pa akong ipagagawa sa’yo Reagan.’’

“Sige po Sir Abe.’’

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with