^

Punto Mo

Doktor, tumakbo ng 35 km na naka-face mask upang ipakitang hindi ito nakaaapekto sa rami ng oxygen sa katawan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG doctor sa Yorkshire, England ang tumakbo ng 35 kilometro habang may suot na face mask upang pabu­la­anan ang haka-haka ng iilan na may masama itong epekto, partikular na sa lebel ng oxygen sa katawan.

Si Tom Lawton ay isang doktor sa intensive care unit ng Bradford Royal Infirmary at isa sa mga frontliner sa nangya­yaring pandemic.

Sa isa niyang Twitter post ay ipinaliwanag ni Lawton na nakita na niya kung gaano kalala ang maaring maging pinsala ng COVID-19 sa mga mahahawa nito.

Upang mahikayat ang mga tao na magsuot ng face mask bilang proteksyon sa coronavirus at upang matapos na rin ang espekulasyon ukol sa epekto nito sa lebel ng oxygen sa katawan, nagpasya si Lawton na tumakbo papunta at pauwi ng pinapasukang ospital habang naka-face mask.

Hindi inalis ni Lawton ang face mask kahit isang sandali sa buong pagtakbo niya. Nanatili sa 98 porsiyento ang oxygen level sa kanyang katawan.

Nakaayon naman sa opisyal na panuntunan ng World Health Organization (WHO) ang mensahe ni Lawton.

Ayon sa WHO, bagama’t hindi komportable ang matagal na pagsusuot ng face mask ay wala namang pruweba na nagdudulot ito ng kakulangan ng oxygen sa katawan.

 

vuukle comment

OXYGEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with