EDITORYAL - Nagkampante sa Cebu kaya daming positibo
EDITORYAL - Nagkampante sa Cebu kaya daming positibo
(Pang-masa) - June 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — ISANG dahilan kaya dumami ang kaso ng CO­VID-19 sa Cebu ay nagkampante agad ang mamamayan doon. Hindi na nasunod ang health protocol. Nang bahagyang magluwag, marami agad ang nag-relax. Kaya si President Duterte na mismo ang nag-utos na maghigpit doon para mapigilan ang pagkalat ng virus. Umabot na sa 4,400 ang kaso sa Cebu.

Inatasan ng Presidente si Environment Secretary Roy Cimatu na tingnan ang sitwasyon sa Cebu. Kasunod ay inilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Cebu. Binawi ang quarantine pass sa mga tao at nag-isyu ng bago. Isang miyembro ng pamilya lang ang hahayaang lumabas para bumili ng mga kailangan.

Ayon sa report, maaaring malampasan ng Cebu ang Metro Manila sa dami ng COVID cases kung hindi maaagapan. Nagpabaya ang mga awtoridad at hindi na sinisita ang mga naglilimayon. Wala na ring social distancing, mayroon nang hindi naka-face mask. Maraming magkaangkas sa motorsiklo. Mayroon din umanong nagdaraos ng party at kung anu-ano pang kasayahan doon. Hindi na marahil naghuhugas ng kamay o gumagamit ng alcohol ang karamihan sa mga tao.

Isang malaking pagkakamali na mag-relax sa panahong hindi pa humuhupa ang pagsalakay ng virus. Hindi pa umaalis ang virus at nagmamasid lang at naghihintay ng pagkakataon. Hindi dapat magkumpol-kumpol at iwasan ang mga matataong lugar. Isuot nang maayos ang face mask. Kapansin-pansin ngayon na may mga naka-face mask subalit nakalitaw ang ilong at ang iba naman ay nasa dakong panga na nila ang mask. Mayroon namang nakasabit sa taynga ang face mask.

May pagkukulang ang mga awtoridad sapagkat hindi na ipinatutupad ang paghihigpit lalo na ang pag-iinuman sa gabi. Kahit na may curfew mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, hindi ito naipatutupad. Bukod sa pag-iinuman, may mga nagkakaraoke pa.

Hindi pa bumababa ang kaso ng COVID-19 at tumataas pa. Sinabi ng isang propesor sa University of the Philippines (UP) na maaari raw umabot sa 40,000 ang kaso ng COVID bago ang Hunyo 30. Nagkakatotoo na ang kanyang sinabi sapagkat 34,073 na ang COVID cases ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Nararapat sumunod ang mamamayan sa ipinatutupad na health protocol. Huwag munang maging kampante sa ngayon. Huwag ding maging pasaway. Magkaroon ng disiplina para malabanan ang pandemia.

CEBU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with