^

Punto Mo

7-foot na buwaya natagpuan sa banyo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KADALASAN butiki ang natatagpuan sa bathroom at gumagapang sa dingding at kisame pero sa Tampa, Palmetto, Florida, ay hindi butiki ang nakita kundi buwaya.

Napasigaw sa pagkabigla si Alexis Dunbar, nang pagpasok niya sa kanilang bathroom ay isang 7-foot na buwaya ang bumulaga sa kanya.

Putlang-putla na tinawag ni Alexis ang kanyang boyfriend at ipinaalam ang buwaya. Mabilis na iniharang ng lalaki ang isang mesa sa pintuan ng bathroom para hindi makalabas ang buwaya.

Pagkatapos ay tinawagan ang mga taga-Florida Fish and Wildlife Conservation Commission. Ang mga ito ang kumuha sa buwaya sa bathroom.

Ayon kay Alexis, maaaring nagdaan ang buwaya sa doggie door sa likuran. Sabi ng mga opisyal ng Wildlife, mating season ng mga buwaya kaya nararapat mag-ingat ang mga tao lalo na sa mga lugar na may tubig.

vuukle comment

BUWAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with