Kapag na-guilty ang isang ama
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - June 3, 2020 - 12:00am

SI Mohammed A. El-Erian, 61, ay ipinanganak sa New York ngunit ginugol niya ang kanyang kabataan sa Egypt, ang bayang sinilangan ng kanyang mga magulang. Bumalik lang sila sa New York dahil ang kanyang ama ay nagtrabaho sa United Nations.

Palibhasa ay matalino, sobrang tagumpay ang naranasan niya sa kanyang career. Marami siyang hinawakang matataas na posisyon sa malalaking kompanya. Noong January 2014, nagulat ang buong business world nang magpasya siyang magbitiw bilang chief executive officer ng Pacific Investment Management Company (PIMCO). Ito ay American global investment management firm na may headquarter sa Newport Beach, California, may mahigit na 8,400 empleyado na nagtatrabaho sa 13 offices na nakakalat sa 12 bansa.

Upang maimadyin ninyo kung gaano kalaking kompanya ang PIMCO: mayroon itong $2 trillion investment fund. Ibig sabihin, isang higanteng oportunidad ang pinakawalan ni Mohammed nang magbitiw siya sa kompanya. Ang tanong nang marami: Bakit mo pinakawalan ang higanteng oportunidad?

Simple lang ang sagot niya: Aanhin ko ang malaking kikitain kung lalayo naman ang loob ng aking asawa at anak sa akin?

Sa sobrang laki ng kompanya, lagi siyang nasa abroad. Kung nasa bansa naman, abala naman siya sa pagbibigay ng lecture at training program. Nakalimutan niya ang dalawa pa niyang mahahalagang posisyon, ang pagiging asawa at ama.

Marahil ay nananadya ang kanyang anak na babae, 10 taon gulang. Hindi ito nagsepilyo isang umaga bago pumasok sa school. Pinagalitan niya ang anak pero sinagut-sagot siya nito. Lingid sa kanya, bago pumasok sa school ang anak, nag-iwan ito ng maikling sulat sa kanya. Nakalista rito ang 22  mahahalagang events sa buhay ng anak na wala siya. Kabilang dito ang birthday at mga activities sa school kung kailan dapat mag-attend ang mga ama.

Biglang nagising ang pagiging ama ni Mohammed na kaytagal nang nakatulog. Naisip niyang malaki na pala ang atraso niya sa anak , pati na sa asawa. Nangako siya sa sarili na babawi siya. Hindi pa huli ang lahat. Nagtatrabaho pa rin siya ngunit bilang consultant na lamang.

“The quality of a father can be seen in the goals, dreams and aspirations he sets not only for himself, but for his family.” Reed Markham

 

GUILTY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with