^

Punto Mo

‘New normal’, mga Pinoy nagpapakamatay?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

Tila gustong magpakamatay ng mga Pinoy nang biglang magdagsaan sa malls kahit nananatili ang banta ng COVID-19. At hindi ito ikinatuwa ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Operations ng PNP. Nadismaya si Eleazar dahil sa pagbaba ng enhanced community quarantine (ECQ) o “new normal” na noong Sabado ay nagkalat ang mga Pinoy na nagpapa­lamig sa malls at ang kapal ng pila ng sasakyan sa entry at exit points ng Metro Manila.

Ipinaliwanang ni Eleazar na ang modified ECQ at GCQ ay hindi rason para maglakwatsa ang mga Pinoy kundi para gumana ang ekonomiya dahil sadsad na ang kaban ng gobyerno sa pagbigay ayuda sa mga mamamayan. Dahil marami pa ring Pinoy ang pasaway, ang tawag sa ngayon ni kosang Allan Bergonia sa GCQ ay “Going to Crematorium Quickly.” Araguuyyyy!

Ang iba naman ay nanawagan ng mass testing, subalit sinupla agad sila ni Palace Spokesman Harry Roque sa paggigiit na hindi ito ideal sa bansa dahil wala nang pitsa ang gobyerno. Ibinato ni Roque ang pag-mass testing sa mga pribadong negosyo kaya inulan naman ng pangungutya ang gobyerno ni President Digong sa kanyang mga kritiko. Araguuyyy! Hak hak hak! Kahit may COVID, hindi pa rin matapus-tapos ang bangayan ng mga supporters ni Digong at mga kritiko.

Sa pagsapit ng “new normal,” walang humpay ang pag-iikot nina Eleazar at NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas sa malls at checkpoints para ipaalala sa mga security guards at mga pulis na ipatupad maigi ang social distancing at paggamit ng facemask dahil sa COVID. Sa kanyang inspection sa boundary ng Rizal at Marikina, kinausap ni Eleazar ang isang motorista at tinanong kung bakit gusto niyang pumasok sa Metro Manila at nagulat siya sa sagot nito na bibili siya ng bawang, sibuyas at kamatis. Araguuyyy! Ano ba ‘yan? Isinugal ang buhay at ng kanyang pamilya sa kararampot na pansahog na mabibili naman sa kanilang lugar, di ba mga kosa?

Ni hindi iniisip ng mga lakwatserong Pinoy at mga motorista na sobrang mahal ang magpagamot ng COVID kapag tinamaan sila. Hayyyyy! Wala pa namang gamot sa virus kaya dapat mag-ingat at manatili sa loob ng ating mga bahay at hayaan na lang ang mga may trabaho ang lumabas dahil kailangang umusad ang ekonomiya ng bansa. Tumpak!

Kapag patuloy pa ang paglabag sa social distancing sa malls, nagbanta si Eleazar na hindi mangingimi ang Inter Agency Task Force COVID Shield na ipasara uli ang mga ito tulad ng ginawa ni Cavite Gov. Jonvic Remulla. Para naman maiwasan ang sobrang traffic sa mga lansangan, minabuti ni Brig. Gen. Eliseo Cruz, ng Highway Patrol Group (HPG) na alisin ang stationary checkpoints at imbes magsagawa na lang ng mobile checkpoints at random checking ng mga sasakyan. Siyempre, hindi pa perpekto ang mga programa ng IATF sa mga unang araw ng «new normal» subalit magkaroon ng pagbabago ito alinsunod sa mga nakikita na violations ni Eleazar at Cruz sa susunod na mga araw. Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with