^

Punto Mo

Kotseng hugis coronavirus, nagyaot sa lansangan ng India

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAG-IKOT sa mga lansangan ng Hyderabad, India ang isang sasakyang animo’y higanteng coronavirus upang makatulong sa ipinapatupad na lockdown ng gob­yerno roon.

Likha ng imbentor na si Sudhakar Yadav ang single-seater na kotseng pinatatakbo ng 100 cc na makina.

Ayon kay Yadav, ginawa niya ang sasakyan dahil napansin niyang hindi sumusunod ang mga mamamayan sa lockdown na ipinag-uutos ng pamahalaan.

Kaya upang makapanakot at maipaalala ang panganib na dulot ng coronavirus ay gumawa siya ng sasakyang na akala mo ay isang dambuhalang virus na mag-iikot sa mga kalye.

Upang makuha ang itsura ng coronavirus ay kinulayan niya ito ng matingkad na berde at nilagyan ng mga kulay pulang tusok na katulad ng sa virus.

Nakakuha raw ng inspirasyon si Yadav sa mga pulis sa India na nag-suot ng mga helmet na kahugis ng coronavirus habang ipinapatupad nila ang lockdown doon.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with